Supalpal si Calida
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Tingin ko, nasupalpal si Solicitor General Jose Calida sa mga alegasyon niya na nakasaad sa quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN. Sa ginanap na hearing ng Senate committee on public services sa pangu­­nguna ni Sen. Grace Poe noong Lunes, pati ang mga ka­alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Sen. Bong Go at Justice Secretary Menardo Guevarra ay pabor na ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network. 

Kaya ang payo kay Calida ng mga eksperto sa batas ay bawiin na ang quo warranto petition na inihain sa Korte Suprema dahil wala namang katuturan at isa lang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag. Magugunita na hiniling ni Calida sa Korte Suprema na ibasura ang prangkisa ng network dahil isang paglabag daw sa batas nang mag-issue ang  network ng Philippine Depositary Receipts sa mga dayuhan. 

Banat ni Calida, binibigyang karapatan sa pagboto ang mga dayuhang investors na bawal sa 1987 Constitution­. Pinagbabawalan ng Konstitusyon ang mga dayuhan na magmay-ari ng media outfit sa bansa. Sinagot ng network ang mga paratang ni Calida sa harap ng mataas na korte noong Lunes, ngunit hindi ibinahagi ang mga nilalaman­ nito sa media. Sa hearing napatunayan ni Katigbak na walang voting rights ang mga dayuhang bumili ng  shares of stocks, salungat sa akusasyon ni Calida. Ibig sabihin, hindi nangangahulugang sila’y may-ari ng korporasyon dahil wala silang kontrol sa operasyon ng network.

Kaugnay naman sa mga hinanakit ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN dahil hindi isinahimpapawid ang poli­tical advertisement ng dating Davao City mayor, at ang gina­mit ay ang anti-Duterte advertisement na binayaran ni Sen. Trillanes, ang sagot ni ABS-CBN Carlo Katigbak, ginamit ng ABS-CBN ang mga ad na anti-Duterte dahil sa ilalim ng Fair Election Act, ang mga ad laban sa sino mang kandidato ay kinukonsiderang ligal na propaganda sa halalan.

Sa kaso ng patalastas ni Duterte, may hiniling daw ang network na pagbabago sa bersyon upang umakma sa pamantayan ng brodkas pero hindi ginawa ng kampo ni Duterte kaya hindi naisahimpapawid. Sa mga pangyayari ng ito, dapat nang kumilos si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kasapi ng House Committee on Franchise at talakayin na ora mismo ang prangkisa ng higanteng media outlet.

Dahil sa pagkabanas ni Buhay Party-List Rep. Lito Atienza, Iminungkahi niya na palitan si Cayetano bilang speaker dahil “masyadong abala” kaya hindi nabibigyan ng pansin ang mga nakabinbing mga batas.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with