^

PSN Opinyon

Hallucination?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKAKAGULAT ang mga akusasyong ikinuento ni Allison Chiong, NAIA Immigration Officer sa Senate hearing na pinanood at pinakinggan ng millions of madlang Pinoy the other week. 

Bakit?

Ikinanta kahit wala sa tono nito ang mga nalalaman niyang anomalya sa ginagawa diumano ng ilang kasamahan niya sa NAIA Immigration tungkol sa usapin ng “Visa Upon Arrival’ o VUA sa mga Chinese POGO workers.

Kasama kaya si Chiong dito, porke alam niya ang mga rhythm ng kanyang ilang kasamahan sa paliparan, specially sa NAIA Terminal 1? 

Ano sa palagay mo, alyas Dennis ‘Pisngi?’

Sinasabing sa NAIA Terminal 1, dumagsa ang pasok ng mga Chinese nationals na POGO workers­ noong mga naka­raang panahon?

Naku ha!

Totoo kaya ito? 

Sa kuentuhan sa Senate hearing, may P10,000 involved money na ibinabayad ang mga tsekwa at P2k daw rito ay naiiwan sa airport at pinaghahatian ng mga tiwaling immigration people?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano ang masasabi mo rito alyas Dennis ‘Pisngi?’

Marami ang nagulantang sa mga ikinantang katiwalian ni Chiong na ginagawa diumano ng mga tiwa­ling immigration personnel sa paliparan tungkol sa VIP escort with a fee.

Nagtataka ang mga listeners kung bakit nga­yon lang lumabas sa lungga at kumanta si Chiong laban sa mga kasamahan niya gayong sabi niya ay matagal na itong nangyayari?

Bakit?

Ang iba sa mga opisyal na idinadawit nito sa scam ay matagal nang wala sa NAIA at ang iba naman ay idinestino sa malalayong lugar ng Office of the BI Commissioner.

May hallucination ba si Chiong?

Bakit ngayon lang siya lumantad? May kagalit ba siya sa kanyang mga kasamahan o binukulan siya sa pera?

“Gantihan blues kaya?”

Tinatawanan tuloy ni alyas Dennis ‘Pisngi’ si Chiong dahil wala naman daw ebidensiyang ma­ipakikita ang huli kapag isinampa na ito sa proper forum?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May kuentuhan ang mga tsimoso, epekto kaya ang pagkanta ni Chiong sa pagpunta niya sa Japan?

Naku ha!

Anong meron sa Japan at ginawa nito?

Kailangang mabulatlat kung bakit sa Japan nagpunta si Chiong para malinawan ang mga nag­tatanong?

Ano sa palagay ninyo ang ginawa niya rito?

Abangan.

vuukle comment

ALLISON CHIONG

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with