^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Contributions ng OFWs sa PhilHealth, nasaan?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Contributions ng OFWs sa PhilHealth, nasaan?

May lumulutang na namang kontrobersiya sa PhilHealth ngayon. Ito ay may kaugnayan sa hindi umano pagre-remit ng milyong pisong contributions ng overseas Filipino workers (OFWs). Sinampahan na ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang apat na ranking officials ng PhilHealth noong nakaraang linggo. Ayon sa whistleblower na si Ken Sarmiento hindi umano nire-remit ang P16.584 milyong contributions ng OFWs mula 2014 hanggang 2018. Si Sarmiento ay dating pinuno ng PhilHealth Operations Office of the Philippine Overseas Employment Adminisration of Filipino Professionals (OFP) na namamahala sa National Health Insurance Program ng mga OFWs at kanilang dependents.

Ayon kay Sarmiento, nadiskubre niya ang mga kuwestiyunableng PhilHealth official receipts (PORs) na iniisyu ng liason officers ng iba’t ibang recruitment agencies na nakikipag-transact sa POEA.

Sinabi naman si PhilHealth chief Ricardo Morales na nagtitiwala pa rin siya sa kanyang mga tauhan sa kabila ng alegasyon sa mga ito. Wala umanong katotohanan ang “fake” premium receipts.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang “ghost dialysis’’ kung saan may mga dialysis center na nakikipagkutsaba sa PhilHealth personnel para maka-reimburse sa mga penekeng nag-dialysis kuno. Dahil sa anomalya, umabot na sa P154 bilyon ang “bogus” claims sa PhilHealth.

Nabisto ang masamang gawain nang dalawang dating empleyado ng isang dialysis center sa Novaliches, Quezon City ang nagbulgar na penepeke ang mga pirma ng pasyenteng nag-dialysis. Ayon sa dalawang empleyado ng WellMed Dialysis Center, patuloy ang paniningil nito sa PhilHealth kahit patay na ang dina-dialysis. Inaresto ng NBI ang may-ari ng WellMed at kinasuhan.

Nang sumingaw ang korapsiyon sa PhilHealth, nalanghap ito ni President Duterte at agad sinibak ang chairman at mga matataas na opisyal. Iniupo naman niya si Morales sa puwesto.

Ngayon ay may sumingaw na naman sa PhilHealth at apektado ang OFWs. Kawawa naman ang mga “bagong bayani” kung may katotohanan na hindi nireremit ang kanilang bilyones na contributions. Paano kung magkasakit sila at inaasahan ang insurance. Imbestigahan sana ito habang maaga at mapanagot ang mga nagkasala.

vuukle comment

OFW

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with