^

PSN Opinyon

Anti-drug crusader nasabit sa narco-list

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Paano’ng ang isang kinikilalang masugid na anti-drug crusader ay makakaladkad ang pangalan sa ilegal na kalakalan ng droga? Hindi ko tinutukoy ang karakter sa teleserye ng ABS-CBN na si retired General Delfin Borja na naging national security adviser ni President Hidalgo na sinibak dahil sa pagkakasangkot sa droga.

Pero ang nangyayari sa bantog na dula sa telebisyon ay sadyang may bahagyang pagkakahawig sa nangya­yari ngayon sa tunay na buhay ng isang kilalang police officer.

Ang tinuturan ko ay si Lt.Col. Jovie Espenido na naunang nakilala dahil sa masugid niyang krusada laban sa droga. Neutral ang aking pananaw sa usaping ito at walang papanigan sa nag-aakusa at sa inaakusahan. Pero isang katotohanan na kung ang kinakalaban mo ay isang malaking dragon katulad ng sindikato ng droga, siguradong marami kang masasagasaang personalidad na papalag. Kung hindi ka man iligpit ay wawasakin ang iyong personalidad.

Sabi nga mismo ni Espenido, maaaring ito’y kagagawan ng mga politikong sangkot sa droga na kanyang nasagasaan sa pagtupad sa kanyang tungkulin. Hindi niya tinukoy kung sino ang mga ito. Dagdag niya, maaaring naitala sa narco-list ang pangalan niya dahil sa failure of intelligence ng Philippine National Police (PNP). Aniya, posibleng may mga taong lumapit sa police intelligence officer at nagsubo ng maling impormasyong makasisira sa kanyang pagkatao.

Mahirap ang kalagayan ni Espenido. Mauubos ang kanyang panahon sa kakapaliwanag at pagdepensa sa kanyang sarili lalo na sa mata ng publiko na maaaring humuhusga na sa kanya na nagkasala. Totoong nagha­yag na ng suporta si Presidente Duterte sa kanya at hindi umano ito naniniwalang masasangkot si Espenido sa narco-list.

Pero alam natin na bagaman at malawak pa rin ang suporta ng masa kay Duterte, inaakusahan din siya ng ilang sektor  gaya ni Sen. Trillanes na sangkot sa droga. Kaya nga muling nahaharap si Trillanes ngayon sa mabigat na asunto. Sa mata ng taumbayan na walang nalalaman sa inside stories ng mga usaping ito, may mga maniniwala at mayroon ding hindi. Suma-total -political division pa rin ang maghahari sa ating inang-bayan na hindi makausad-usad dahil sa malubhang pagkakahati-hati ng mga mamamayan.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with