Huwag dagdagan ang problema
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

Hindi pa rin masupil ang pagkalat ng masamang balita tungkol sa COVID-19 sa lipunan. Marami sa balita ay may katotohanan. Kasing dami rin ang fake news na hindi maiwasan dahil sa patuloy na histerya at pangamba ng mga tao. 

Kasunod ng peligro sa buhay, kalusugan at kaligtasan, ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng Pilipinas ang hindi masukat at mahirap tawaran. Marami sa ating pakikipagrelasyon sa mga bansang apektado ang napatigil. Sa pagbiyahe na lamang mula at papuntang Pilipinas, hindi iilan ang naipit at naperwisyo. Ang pakikipagkalakalan ay sadyang naantala. Bilyun-bilyong halaga ang aktuwal na nalugi o ‘di kaya’y naglaho sa pagkawala ng mga pagkakataon. 

 Maraming mahalagang aral ang mapupulot natin sa karanasang ito. Ang isa ay ang pagiging kritikal na mabigyan tayo lagi ng tamang impormasyon. Maraming nasayang sa pag-alalang dulot ng kawalan ng kasiguruhan. Isa sa mga ugat ng problema ay ang kakulangan ng ahensiya na tumatayong nag-iisang official source ng impormasyon.

 Noong unang mga araw ng outbreak, maaalalang ang DOH ang nanguna sa paghatid sa bansa ng mga update sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa. Dito rin natin nakukuha ang impormasyong kailangan upang intindihin ang salot na ating kinukumpronta. Nang lumaon ay hindi rin napangatawanan ng DOH na gampanan ang papel na ito dala na rin ng pag-ukol ng atensiyon sa iba pa niyang mandato.  

Napapanahon nang magkaroon tayo ng Disaster Risk Reduction Department kung panahon ng Natural o Man Made Disasters at ng Center for Disease Control and Prevention para may asahan sa panahon naman ng epidemic. Sa ganitong paraan, hindi na natin kailangang tiisin ang mga epektong hindi naman talaga kasama sa trahedya o sakit, bagkus ay nagiging problema lamang dahil sa kawalan ng impormasyon o direksyon sa taumbayan. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with