Tulong ng PCSO
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

Kung sino pa ang mga “isang kayod, isang tuka” na nanga­ngailangan ng tulong financial mula sa pamahalaan­, sila pa ang nabibiktima ng mga ganid at korap. Resulta iyan ng kakulangan sa kaalaman kung sino ang dapat na lapitan upang makaamot ng tulong financial lalo na kung ito’y nakaratay sa banig ng karamdaman at sa mga pampublikong ospital. Maging si Pres. Rodrigo Duterte ay umaming nahihirapan siyang sugpuin ang korapsyon sa ating bansa. Ngunit ngayon may pag-asang magbago kung kayo na mismo ang kikilos upang matigil ang gawaing­ ito mga suki. Mayroon naman tayong ahensiya na bukas palad na naglilingkod at nagbibigay ng ayuda sa sambayanan at iyan ay walang iba kundi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamumuno ni General Manager Royina M. Garma.

Sa tuwing may kalamidad sa bansa, nangunguna ang PCSO sa pagbibigay ng tulong. Kaya ang PCSO ay nanawagan sa publiko na maging bahagi sa pakikipag­laban sa pagsugpo ng mga anomalya at korapsyon sa pamaha­laan. Upang maiwasan ang korapsyon o panggagantso ng mga tuso, mangyaring lumapit sa tanggapan ng PCSO sa Metro Manila o mga sangay na may opisyal na kawani o mga lehitimong empleyado ng ahensya upang makahingi ng tulong  para sa medical assistance at iba pang transaksiyon kabilang na riyan ang Small Town Lottery at Lotto Gaming Franchising.

Kasi naman kadalasan nadedenggoy ang tulong para sa maysakit at ang nagpakabusog lamang ay ang mga tuso at korap sa ahensiya, hehehe! Bilang na ang oras n’yo mga dupang! Kaya may panawagan si PCSO GM Garma sa publiko na umiwas at mag-ingat sa mga manloloko at huwag mag-atubiling isumbong sa kanya ang mga impostor o kahit na mga empleyado mismo ng PCSO na gumagawa ng mga ilegal na transaksyon.

Kaya mga suki, iwasang makipagtransaksyon sa labas ng PCSO office at mga sangay o ‘di kaya’y sa pamamagitan lamang ng telepono o text. Ito’y para rin naman sa kapakanan n’yo at para masigurong mapapasakamay ang tulong ng ahensiya. At para sa medical assistance at iba pa na nais ninyong makamit, mangyaring lumapit kayo sa PCSO Satelite Office sa Lung Center of The Philippines sa 6512 Quezon Ave., Diliman, Quezon City. Ang kailangan lamang ninyong isumite sa PCSO IMAP Application Form ay mag-download o kaya’y sa mismong PCSO Lung Center of the Philippines Satelite Office, PCSO Branch Office at Hospital na may Malasakit Center. Magdala lamang kayo ng government issued identification cards katulad ng mga sumusunod: Philippine Passport, driver’s license, GSIS UMID, PRC ID, NSO authenticated marriage certificate, digitized voter’s ID, senior citizen’s ID, Philippine Health Insurance (PHIC) 4P’s ID at student ID.

Hayan, oras na mayroon kayo niyan maaari nang maproseso at mailalapit nang personal ang inyong pangangailangan na walang tulong mula sa mga tuso at korap. Malinaw na nais lamang ng ahensya na himukin ang publiko upang makaiwas sa pananamantala at korapsyon upang madama ng sambayanan ang tulong ng gobyerno. Ang publiko ay hinihimok na bisitahin ang Official PCSO Facebook page @ Philippine Charity Sweepstakes Office at ipagbigay-alam sa “Ipaalam kay GM” na inilunsad noon 2019 at maaari ring iparating sa pamamagitan ng tawag o text sa offical Mobile number 0998-4068640 (Smart) at 0956-9654381 (Globe) para sa napakabilis na aksiyon. Ang “Ipaalam Kay GM” ay adbokasiya ng ahensiya ni General Manager Royita M. Garman ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa publiko at upang maipaabot sa kanya kaalaman ang mga bagay o hinaing tungkol sa PCSO katulad ng suhestiyon, komentaryo, feedback at report.

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with