PCSO, patuloy na umaayuda sa mga nangangailangan
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2020 - 12:00am

SINIGURO ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) noong Martes na patuloy ang pagbibigay suporta sa mga biktima ng kalamidad sa kabila ng pagbaba ng kita nito. Hindi naman kaila sa atin na nagkaroon ng alingas­ngas sa pagpapatakbo ng mga dating opisyales nito kung kaya maging si Pres. Rodrigo Duterte ay napilitang isara ito at nag-appoint ng bagong opisyales na may malasakit sa ahensiya. Sa ngayon dama na ang epekto ng mga problemang iniwan ng mga dupang na opisyales ng ahensiya. Mas inuna kasi ang sariling bulsa na busugin kaya hilahod na nang bitiwan ng mga ito ang PCSO.

Mabuti na lamang at maagap na umaksyon si Digong at pinagsisibak ang mga dupang. Subalit kahit na samdamukal man ang iniwang problema, aba’y nakitaan ito ng pagbangon at patuloy na naglilingkod sa sambayanan sa pagbibigay ang ayuda sa mga nangangailangan. At yan ay sa katauhan ‘ni PCSO General Manager Royina Garma.“PCSO is going through a lot of changes, but it is for the better, for the agency to offer more, to generate more revenues and serve better our countrymen, especially those who are in dire need,”  sabi ni Garma matapos ipamigay ang cheque bilang financial assistance sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan  na ginanap mismo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Bumaba ng 31% ang kita ng PCSO sa nakalipas na taon sa halagang P44 bilyon mula sa dating P63.5 bilyon noong 2018. Ang kinita mula sa lotto games ay bumaba rin sa P21 bilyon mula sa P31 bilyon noong 2018. Sinabi ni Garma na kaya bumaba ang kinita sa mga palaro matapos na makuha ang jackpot prize na P1.18 bilyon noong 2018. Ayon naman kay Assistant General Manager for Gaming Arnel Casas, ang ahensiya ay kasalukuyang nagpoproseso ng mga makabagong laro upang tangkilikin ng sambayanan. “Definitely maraming nasa pipeline na mga games, marami rin repackaged na games we should address the decline sa games naming,” pahayag ni Casas. Bukod sa mga inaaral na mga bagong laro, tinitingnan din na maihalintulad ito sa tayaan sa Keno na P12 sa P10 na lang.

Umaapela naman si GM Garma sa mga tumatangkilik sa lotto games, “The more po na tangkilikin natin ang lotto the more funds po na pumapasok. Makakatulong ang pondo to touch ang change the lives of people sa iba’t ibang ahensya”. Sa kasalukuyan kasi mga suki, ang mga palaro ng PCSO ay ang Keno, Small Town Lottery (STL), Peryahan ng Bayan, Instant Sweepstake at iba pa.  Samantala, sinimula ni GM Garma ang “Ipaalam kay GM”  ang kanyang proyekto ay bukas sa lahat ng inyong komento, suhestiyon, reklamo, feedback at komendasyon sa mga produkto ng PCSO at serbisyo ng ahensya at sa iba’t ibang organisasyon ng media. “We have to remain resilient through change. Change is constant. In order for us to cope up well with change, we must be aware, be prepared and take action,” sabi pa ni Garma.

Ang PCSO ay nagsisilbing  principal government agency para makalikom at makapagbigay ng pondo para sa health programs, medical assistance and services, and charities of national character. Ang bawat Medical Assistance Program (IMAP) ay kinokonsiderang flagship program ng PCSO na binuo noong 1995 para magbigay ng financial assistance sa mamamayang may problema sa kalusugan. Bukod sa IMAP, ang iba pang charity programs ng PCSO ay ang mga sumusunod: Endowment Fund Program, Institutional Partnership Program, Procurement of Medical Equipment, AFP/PNP Health Facilities Capability Building Project, Calamity Assistance Program, Milk Feeding Program, Integrated Health for Overall Productivity and Empowerment (I-HOPE), at ang Out-Patient Services Program (Medical and Dental Services).

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with