Sari-saring biktima
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

SA mga trahedyang tulad ng pagputok ng bulkan, malakas na lindol, bagyo at iba pa, maraming paraan upang maging­ biktima. Hindi lamang ang mga direktang natabunan­, nabag­sakan, nabaha ang kawawa. Ang epekto ng kala­midad ay lalawak at lalawak ang abot. Mga mapipilitang lumisan­ ng pamamahay; mapuputulan ng tubig at kuryente­; mauubusan ng pagkain. 

Sa kabanata nitong huling pagputok ng Bulkang Taal, nakita natin kung paanong ang ating mga kababayang sakop ng danger zone ay sapilitang inilayo sa peligro sa pamamagitan ng lockdown. Ang ganitong hakbang ay sinadya ng pamahalaan kahit taliwas sa kagustuhan ng tao. Ang katwiran ay para rin ito sa kanilang kabutihan at kapakanan. Subalit biktima pa rin sila dahil nililimitahan ang kanilang layang makagala at balikan ang kanilang mga pag-aari.

 Ang hirap ipatupad ng lockdown. May lockdown na pinagbabawal ang lumabas – gaya ng nangyayari sa Wuhan, China kung saan minamanmanan ang paglayag ng mga residente nang makontrol ang pagkalat ng bagong Coronavirus na roon nagmula. Lockdown din ang pagbawal na pumasok, tulad ng nagaganap sa Batangas nitong naka­raang linggo kung saan, man to man guarding­ ang pagharang sa mga nais magsibalik sa kanilang ma­peligro pang komunidad.

 Sa TV ay nakita natin kung papaanong halos maghu­ramentado ang mga residente na kaunting payapa lang ng bulkan ay hindi na makapaghintay na magsibalik. Kahit pa nakataas ang alert level 4 at hindi maalis ang posibi­lidad ng mas malakas pagsabog, tuloy ang pasaway nilang pakikipagtalo. Para silang mitsang sinindihan at lumalakas ang loob lalo na nang makaramdam na marami-rami silang­ lumalaban. Ganito rin ang eksena sa ilang lugar sa Wuhan.

 Malinaw na hindi lamang tao ang nakakawawa sa kalamidad. Mahirap man tanggapin, ang isa sa unang biktima ng ganitong kamalasan ay ang mismong mga tanikalang nagtatagpi sa atin bilang sibilisadong lipunan: Disiplina, patakaran, batas. Kabilang ang peligrong ito sa mga dapat tutukan ng mga namumuno sa panahon ng trahedya.

BULKANG TAAL DANGER ZONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with