^

PSN Opinyon

Magpraktis ng 10,000 oras para humusay sa anuman

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

WALANG palya sa shooting si Korean basketball star Shin Dong-pa. Kahit saan siya mag-jumpshot sa hard court, tiyak pupuntos. Dahil ‘yon sa ensayo niya mula pa teenager. Mula sa kaliwa ng ring, magsu-shoot siya, tapos hahak­bang pakanan at shoot muli, paulit-ulit hanggang umabot siya sa kanan ng ring. Kapag magmintis ng isang shot, simula siya uli hanggang mabuo ang 100 tuluy-tuloy na walang paltos. Perfect!

Hindi lang sa sports puwede ‘yon, ani science journalist Malcolm Gladwell sa librong “Outliers”. Nirepaso niya ang buhay ni Bill Gates. Summer break nu’ng 16-anyos ito, hinahatid ng ama gabi-gabi sa pabrika ng kaibigan na may sinaunang mainframe computer. Hanggang madaling-araw kinabisa ni Bill ang pag-computer. Inulit pa niya ito nu’ng sumunod na school break. Nakaimbento siya ng ope­­rating system at maraming software pang-PC, at naging­ pinaka-mayaman sa mundo.

Sa musika nangyayari rin ‘yon. Nu’ng bata pa ang Beatles kinuha sila ng isang nightclub sa Hamburg para tumugtog gabi-gabi. Tuwing araw nag-eensayo at kung nainspira ay nagko-compose sina John, Paul, George, at Ringo. Nu’ng recording stars na sila, obligado silang sumulat ng dalawang kanta araw-araw, Lunes-Biyernes, para pag­pilian sa albums. Kaya naman, sa kapapraktis, walang kama­­tayan ang musika nila.

Nabatid ni Gladwell na lahat ng world-class na atleta, enhinyero, musikero, manunulat, pintor, singer, atbp., ay gumugol ng di-bababa sa 10,000 oras na paulit-ulit ginagawa ang hilig nila. Doon sila nahasa.

Kahit sino ay maaari maging world class, ani Gladwell, basta bumuno ng 10,000 oras na konsentrasyon sa naisin­. Makakamit daw ito sa miski apat na oras araw-araw sa loob ng sampung taon.

Pero kung panatiko ang isang tao sa naisin niya, bale-wala gumugol ng tig-10 oras sa 1,000 araw -- tatlong taon lang perpekto na.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SHIN DONG-PA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with