Batas ang baguhin
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2020 - 12:00am

(Huling bahagi) 

UMAPELA pa rin ang eskuwela sa Supreme Court (SC) at ipinipilit ang katwiran na dapat ibase ang dagdag na suweldo sa kanilang kita at hindi basta sa itinaas ng ma­trikula tulad ng sabi ng Court of Appeals (CA).

Halimbawa raw sa taon na iyon na mas mababa pa ang kinita ng eskuwela sa nagdaang taon ay dapat na walang dagdag sa pasahod ng mga guro. Wala nga raw kita at imbes ay lugi pa ang eskuwela.

Hindi raw makatarungan ang ginawang paraan ng pag­kuwenta ng CA dahil pinipilit silang magbigay ng dag­dag na pasahod kahit lugi na ang eskuwela. Bandang huli daw ay baka mapilitan pa silang magsara sa sapan­taha ng eskuwela.

Ayon sa SC, kahit na naaawa sila sa sitwasyon ng esku­­welahan na pareho din ang kalagayan sa iba na pinipilit na itaas ang suweldo ng mga guro sa pamamagitan ng pag­tataas ng matrikula para lang bandang huli ay magulat sa pagbaba ng mga estudyante na hindi na tuloy pumasok sa kanila (dahil sa taas ng matrikula) ay wala rin silang maga­gawa.

Hindi raw sila puwedeng lumampas sa naging panukala ng lehislatura. Malinaw kasing nakasaad sa batas na anumang dagdag sa matrikula ng eskuwelahan ay mapu­punta sa sahod ng mga guro at iba pang kawani.

Hindi puwedeng ikunsidera ang naging bawas sa mga estudyanteng pumasok sa eskuwela, ang mga iskolar na hindi nagbabayad ng matrikula o kahit pa ang mga estud­yante na huminto sa pag-aaral o pati na ang mga lugi/bad debts ng eskuwela. Hindi nila puwedeng saklawan ang kapangyarihan ng Kongreso o gumawa ng palusot para sa sitwasyon. Ang sagot ay nasa Kongreso at wala sa korte.

Isa pa, wala rin daw naipakitang katibayan ang eskuwela na nalugi sila o konektado ang pagkalugi nila sa pagtataas ng matrikula. Opinyon lang nila ang tungkol sa pagkalugi at hindi ito sapat na ebidensiya para baliktarin ang CA (St. Joseph’s College vs. St. Joseph’s Workers Association (Samahan), G.R. 155609, January 17, 2005).

COURT OF APPEALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with