^

PSN Opinyon

Masakit ang suso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pananakit ng magkabilang suso ay karaniwan sa mga babae, lalo na 1 linggo bago dumating ang regla.

Ang pagbabagong ito ay sintomas ng pre-menstrual syndrome.

Ngunit ang pananakit ng suso ay maaari ring dahil sa sobrang bigat na ehersisyo o namumuong cyst o bukol.

Kung magkaroon ng pamumula ng suso na may kasamang lagnat, maaaring senyales ito ng impek­syon sa suso o mastitis.

Ang impeksyon ay kadalasan sa 1 bahagi lamang ng suso.

Ang mastitis ay karaniwang nakakaapekto sa mga babae o nanay na nagpapasuso.

Mga dapat gawin para mabawasan ang pananakit ng suso:

l Gumamit ng hot or cold compress sa iyong suso.

l Magsuot ng bra na sakto ang sukat para pang suporta, mas mabuti kung magandang klase ang bra.

l Mag-relax. Maaaring makatulong ang pag-relax para ma-kontrol ang sobrang pag-aalala kasabay ng sobrang pananakit ng suso.

l Bawasan o iwasan ang pag-inom ng kape. Ayon sa Mayo clinic, bagama’t hindi pa napatutunayan na ang pag-inom nito ay nakaaapekto sa pananakit ng dibdib at iba pang pre-menstrual symptoms, mas mabuti kung ito ay bawasan o itigil. Maaring may hindi magandang epekto ang pag-inom ng kape.

l Bawasan ang dami ng pagkonsumo ng taba at mantika sa iyong pagkain. Posibleng makaapekto ito sa pagkakaroon ng bukol sa suso.

Bihirang maging senyales ng kanser sa suso kung ang pananakit lamang ng mga ito ang nararamdaman.

Ngunit kung mayroong hindi maipaliwanag na pananakit ng suso at tumagal ng higit pa sa 1 linggo, maaaring mabahala ka dahil baka senyales na ito ng breast cancer at panganib sa iyong buhay.

Kumunsulta agad sa doktor kung may bukol na nakakapa at may pagbabago sa hugis ng suso.

vuukle comment

PRE-MENSTRUAL SYNDROME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with