Nakatanim na ugat
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2019 - 12:00am

A pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) noong Setyembre 27-30, ang China pa rin ang hindi pinag­kakatiwalaang bansa ng karamihan ng mga Pilipino. Mas sumama pa nga kumpara sa survey na ginawa noong nakaraang Hunyo. Wala pa ngang survey kung saan lumabas na pinagkakatiwalaan ng maraming Pilipino ang China. Malinaw iyon. Kaya ito ang tanong. Bakit pag-aari na ng State Grid Corporation of China ang 40 porsiyento ng National Grid Corporation of the Philippines(NGCP), and tanging nagpapatakbo ng kur­yente sa buong bansa?

Isiping mabuti iyon. Ang bansa na hindi pinagkakatiwalaan ng karamihan ng mga Pilipino ang may hawak ng 40 porsiyento ng kompanyang nagpapatakbo ng kuryente sa buong Pilipinas. At ito pa. Lumabas sa pagdinig sa Senado noong isang linggo na dahil sa teknolohiya na ipinasok ng China sa sistema ng NGCP, may posibilidad na kayang patayin ang kuryente ng buong bansa mula sa China mismo, partikular mula sa pasilidad sa Nanjing. Nalaman din na sinalin ng State Grid Corporation of China sa wikang Chinese ang ilang teknikal na libro para mabasa ng mga inhinyero nila. Mga Chinese na rin ba ang nagpapatakbo ng kuryente natin?

Natural na ipinagtanggol ang kasalukuyang sitwasyon sa NGCP at sinabing may mga nakalatag na sistema para mabantayan ito. At kung sakaling mapatay nga ng China ang kuryente ng buong bansa, maibabalik ang kontrol sa gobyerno ang sistema sa loob ng isa o dalawang araw.

Kahit karamihan ng mga Pilipino ang wala ngang tiwala sa China, ganito na nga ang sitwasyon ngayon dahil sa administrasyon na napakabukas sa lahat ng bagay na may kinalaman sa China. Imprastraktura, komunikasyon, tubig at ngayon kuryente na rin. Siguradung-sigurado ba ang administrasyon ito na panghabambuhay na kaibigan na ang China ng Pilipinas? Paano pala kung magbago ang pulitika sa bansa na hindi bukas sa kaliwa’t kanang malawakang pagpasok ng China sa bansa? At hindi ba may isyu pa nga tayo sa malawakang pag-aangkin ng China sa buong karagatan, tapos nakapasok na rin pala sila sa kuryente natin? Masyado naman yatang nakatanim ang kanilang ugat sa Pilipinas ngayon.

SOCIAL WEATHER STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with