Tuloy lang sa trabaho -VP Robredo
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 3:00am

MUKHANG patibong nga ang pinasok ni VP Leni Robredo nang tanggapin niya ang puwestong anti-drug czar na inalok sa kanya ni Presidente Duterte. Sa ngayon, katakut-takot na intriga ang ibinabato sa kanya ng kanyang mga detractors.

Kesyo wala siyang karapatang mag-demand ng mga classified infos tulad ng listahan ng mga pangalan sa narco list dahil baka ito’y isiwalat niya sa mga kalaban ng pamahalaan. At maging si Presidente Duterte ay nag­hayag na kung magkakamali o papalpak si Robredo sa iniatang na tungkulin sa kanya, puwede siyang tanggalin ano mang oras.

Para kay Robredo, alam naman daw niya na ang mga klasipikadong impormasyon ay hindi dapat ilantad kanino man, kahit sa media. Paano nga naman siyang makakagalaw kung hindi siya bibigyan ng mga kailangang­ impormas­yon? Bakit pa siya ipinuwesto ng administrasyon kung hindi naman siya pagkakatiwalaan?

Tama ang mahinahong reaksyon ni Robredo sa ga­nitong­ mga negatibong pahayag. Itutuloy lang niya ang kanyang gawain bilang co-chair ng Inter-agency Commission Against ilegal Drugs. Hindi minabuti ni Presidente Duterte ang ginawang pakikipagkonsultasyon ni Robredo sa United Nations at United States na nauna nang naging agresibo sa pagbatikos sa drug war ng administrasyon.

Sa ganitong pakikibaka sa droga, hindi puwedeng gumalaw ang alinmang pamahalaan ng walang ayuda o tulong ng ibang bansa dahil ito’y isang trans-national crime.

Naniniwala ako na puntos para sa kanya kapag tinutoo ng Pangulo na sisibakin siya kapag siya’y pumalpak. Pero siyempre, kung sino ang nasa kapangyarihan ay puwedeng palabasing si Robredo ang kontrabida, isang bagay na nababasa natin araw-araw sa mga momentary sa social media.

Sana naman, mawala na ang kulay politika sa mga bagay na nauukol sa mga programa ng gobyerno na dito ay kailangan ang kooperasyon ng lahat. Oposis­yon man o administrasyon, ang problema ng nauukol sa bawal na droga ay isang halimaw na dapat nating sa a-sa ang puksain.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with