Huwag paglaruan ang barangay election
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Philstar.com) - November 14, 2019 - 12:00am

Ito bang ating demokrasya ay gumagana pa? Umpisa sa Barangay at SK election mukhang pinaglalaruan lang ng ating mga mambabatas. Imbes na ipostpone ang election bakit hindi nalang dagdagan pa ng isang termino ang mga Barangay at SK officials sapagkat ang tatlong taong termino ay maiksi para sa ating mga opisyal­. Mabi­bitin ang mga proyektong naumpisahan. Hayaan na­ting matapos ang mga proyekto bago natin sila pababain sa puwesto.

Ngayon ipapasa na upang maging isang batas na ang May 2020 Bgy. at SK election ay gagawin na lang ito sa May 2022. Dapat mas manaig ang constitution na magkakaroon ng halalan tuwing ikatlong taon. Ito na ang pangatlong beses na postponement ng Bgy. at SK election. Ibig sabihin sa mga nakapuwestong Bgy. at SK offi­cials ay napakaswerteng limang taong termino kung sa 2022 pa ang election.

Wala namang problema na palawigin ang pamumuno ng barangay officials kung maganda ang performance nila. Pero paano naman ‘yun mga tiwali. Hindi kaila sa ating lahat na may mga bgy. officials na ginagamit ang posis­yon upang makapangotong, meron din nasasangkot sa krimen at droga. Sa ganyang paraan tuloy ang ligaya ng mga kurakot na barangay officials. Hindi ko sinasabing lahat pero meron lang sa kanilang ginagamit ang pagka-opis­yal upang makapangotong at magka-impluwensya.

Sana lang ay huwag paglaruan ang Bgy. at SK election dahil tulad ng mga nasa itaas na nagpapatupad ng batas ay meron din mangilan-ngilan sa kanilang tiwali na dapat sipain sa puwesto. Malakas ang kutob ko na maiu­urong na naman ito sa 2022.

Palitan ng apat na taong termino ang mga Bgy. at SK officials. ‘Yan ang tinatawag na win-win situation at palagay ko sang-ayon din ang mga botante.

BARANGAY ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with