^

PSN Opinyon

Mga pahayag ng gobyerno, kilos ng kaibigan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“NOT a concern”. Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang tanungin siya kung ano ang gagawin ng gobyerno sa insidente kung saan binu­labog ng Chinese coast guard ang Aura, isang tanker na pag-aari ng bansang Greece na ang mga tauhan ay Pilipino seamen. Dumaan ang Aura malapit sa Panatag Shoal at dito nakatanggap ng pambubulabog mula sa barko ng China. Hindi raw Pilipinong barko kaya problema raw ng bansa kung saan galing ang barko kung ginalaw sila ng Chinese coast guard. Pero sa may Panatag Shoal nga naganap ang insidente kaya hindi ba dapat may reaksyon ang bansa? 

Paano pala kung ginalaw nga? Doon pa lang magpapakita ng pag-alala sa mga Pilipinong tauhan ng barko? Ganun din ba ang sasabihin kung may tangkang manakit ng isa sa libu-libong OFW sa iba’t ibang bansa? Wala naman sa Pilipinas ang problema o krimen kaya “not our concern” at problema muna ng bansa o ng amo kung saan nagtatrabaho ang OFW? Ganito ba ang mga pahayag na lumalabas mula sa administrasyon - “not our concern”, “shit happens”, “patayin lahat”?

Ito naman. Ayon sa AFP, nagpakawala ng flares ang China sa ating mga eroplanong nag-papatrol ng karagatan bilang babala na huwag lumapit sa kanilang hawak na isla. Anim na beses naganap ang pagbabalang ito noong Peb­rero. Ayon kay Maj. Gen. Reuben Basiao, deputy chief of staff for intelligence ng Armed Forces of the Philippines, China ang pinaka-agresibo sa lahat ng umaangking bansa sa South China Sea. Nagiging pag-aalala na rin ang madalas na pagpasok ng mga barkong pananaliksik ng China sa silangang bahagi ng ating karagatan. Ano ang ginagawa nila roon? Pinayagan ba muli ni President Duterte na makapasok sila sa Philippine Rise?

Madalas kong tanungin kung iyan ba ang aksiyon ng tinatawag na “bagong kaibigan.” Bakit kailangang magpaputok ng flares sa mga eroplano? Wala na ba silang radyo na kadalasan nilang ginagamit para magpahayag ng babala sa mga piloto? Ano palang klaseng kaibigan iyan? Kapag nakaharap lang? At sana respetuhin din ng China ang mga alituntunin hinggil sa international waters. Hindi sa kanila ang buong karagatan kaya wala silang karapatang mambulabog ng mga mapayapang lumalayag lang sa dagat. Dapat iwasan ang sitwasyon kung saan isang pagkakamali lang ay maaaring mauwi sa gulo.

vuukle comment

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with