EDITORYAL - NHA, kilos na sa mga nawasak na bahay

EDITORYAL - NHA, kilos na sa mga nawasak na bahay

(Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

NAKAPANLULUMO ang pinsala ng lindol sa Cotabato, Davao Region, Soccksargen at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao. Maraming nawasak na bahay umaabot sa 30,000 at karamihan  sa mga residente ay sa mga tent nakatira sa kasalukuyan. Pinakamarami ang nasira sa Makilala, Cotabato na halos dapang-dapa ang mga bahay. Marami ang umiiyak sapagkat wala silang matirahan. Kapag umuulan, kawawa ang kanilang kalagayan lalo ang mga anak. Unang lumindol noong Oktubre 16 at sinundan noong Oktubre 30 sa parehong lugar. Mas malakas ang ikalawang lindol kaya ang mga bahay na nagkaroon ng pinsala sa unang paglindol ay bumigay na.

Ayon sa National Housing Authority (NHA) nagsasagawa na sila ng pag-aaral para sa mga itatayong bahay para sa mga biktima ng lindol. Nainspeksiyon na umano nila ang mga lugar na marami ang napinsala at sisimulan na umano ang pagtatayo ng mga bahay para sa mga biktima.

Ang mabilis na pagkilos ng NHA sa ganitong sitwasyon ay nararapat. At hindi naman sana ito matulad sa nangyari sa Yolanda victims na hanggang nga­yon ay wala pa ring desenteng tahanan makaraang ma­salanta mag-aanim na taon na ang nakararaan. Sinalanta ng Yolanda ang Kabisayaan, particular sa Eastern Samar na ikinamatay ng 6,000 tao at nagwasak sa maraming bahay. May mga nakatira na sa ginawang bahay ng NHA pero dusa pa rin sila sapagkat walang kuryente at tubig. Kailangan pa nilang umigib mula sa malayo. Dusa sila kapag tag-ulan sapagkat bumabaha dahil walang drainage system at mas lalong dusa kung tag-araw sapagkat sobrang init na halos malitson sila sa loob ng bahay.

Ayon sa report, 36 na unit pa lamang ang naia-award ng NHA sa mga nabiktima ng Yolanda. Nabayaran na umano ang contractor pero hindi natapos ang proyekto at itinigil na ang paggawa noong 2017. Ayon sa report, sinampahan na ng kaso ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang 12 opisyal ng NHA dahil sa anomalya.

Mga dating opisyal ng NHA ang may pananagutan sa Yolanda. Sa kasalukuyan, bago na ang mga namumuno sa NHA. Umaasa na ang nangyaring trahedya sa Mindanao dulot ng lindol ay hindi matutulad sa mga nangyari sa Yolanda na hanggang ngayon ay nagdurusa sa kawalan nang masisilungan.

LINDOL NATIONAL HOUSING AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with