EDITORYAL - Mapanganib ang maging mamamahayag sa âPinas
EDITORYAL - Mapanganib ang maging mamamahayag sa ‘Pinas
(Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2019 - 12:00am

NOONG 2017, sinabi ni President Duterte na tutu­tukan ng kanyang administrasyon ang mga nang­yayaring pagpatay sa mga mamamahayag at pananagutin ang mga ‘‘utak’’ sa pagpatay. Subalit sa kabila ng kanyang mga pahayag, wala pa ring nakakamit na hustisya ang mga kaanak nang napatay. Sa ilalim ng Duterte administration, mayroon nang naitatalang dalawang mamamahayag na pinatay. Ang pinaka-latest na pinatay ay si Jupiter Gonzales, kolumnista ng pahayagang Remate. Pinagbabaril si Gonzales at kaibigan nito habang lulan ng sasakyan sa Pampanga noong Oktubre 20. Noong 2017, pinatay din ang isa pang kolumnista ng nabanggit ding pahayagan na si Joaquin Briones.

Sa panahon ni Pres. Noynoy Aquino (2010-2016) umabot sa 38 mamamahayag ang pinatay. Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 182 mamamahayag ang pinatay. Pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao kung saan 30 mamamahayag ang pinatay na may kaugnayan sa election.

Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ) na nakabase sa New York, ikalima ang Pilipinas sa mga pinaka-mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Somalia, ikalawa ang Syria, ikatlo ang Iraq at ikaapat ang Pakistan. Ayon pa sa CPJ, ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga pinatay na mamamahayag na hindi pa nalulutas, 41, at sinundan ng Mexico, 30.

Parang mga manok lamang kung patayin ang mga mamamahayag sa bansang ito at masakit isipin na walang ginagawa ang pamahalaan upang sila ay maprotektahan.

Sa nalalabing termino ni Duterte, umaasa ang mga mamamahayag na ganap silang mapuprotektahan at matitigil na ang mga pagpatay. Atasan sana ng pamahalaan ang pambansang pulisya na hanapin ang mga killer at “utak” sa pagpatay. Ipagkaloob ang nararapat na hustisya sa mga pinatay na mamamahayag.

PRESS FREEDOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with