^

PSN Opinyon

Babala ni BITAG ngayong Undas

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TODOS LOS SANTOS na naman. Bigyan ng atensiyon ang iba’t ibang babala at huwag basta maging aligaga at abala sa okasyong ito. Dahil long vacation, karamihan sa mga taga Metro Manila ay bumibiyahe pa-probinsiya para bumisita sa puntod ng namayapa nilang mahal sa buhay. Wala namang masama dahil kultura’t tradisyon na ito nating­ mga Pilipino. Ang problema, sa sobrang excitement at abala, nakakalimot, nakakaligtaan ang mga pag-iingat na dapat gawin dahil tulad nang laging paalala ng BITAG, sa ganitong panahon din aktibo ang mga dorobo.

Kung aalis man ng bahay para magbakasyon, hangga’t maaari ay may maiwang mapagkakatiwalaan para magbantay ng inyong tahanan. Sa mga okasyong ganito madalas suma­salakay ang mga kolokoy dahil alam nilang nakatuon ang pulisya sa mga mas matataong lugar. Avoid posting your whereabouts on social media. Iyan ang laging babala ng otoridad sa publiko dahil nakakatawag ito ng pansin sa mga kolokoy at nag-iimbita ng mga akyat-bahay. Binibig­yan mo lang ng ideya ang mga putok sa buhong dorobo na walang tao sa bahay niyo. Para kang naghain ng palay sa mga manok nang walang kahirap-hirap.‘Wag din papakampanteng ipagkatiwala ang susi ng inyong mga bahay sa inyong kapitbahay. Ika nga nila, trust no one! Dahil ‘yung akala mong maaasahan, bantay-salakay pala.

Sa mga bibiyahe gamit ang kanilang private vehicles, alam n’yo ba ang ibig sabihin ng “BLOWBAGETS?” I-check ang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self. Nakakatawang pakinggan pero isa itong seryosong paalala na i-check muna ang sasakyan bago lumarga para maiwasan ang aksidente or breakdown sa gitna ng biyahe.

Para naman sa mga magco-commute, maging alerto sa mga makakasalamuha dahil may mga kawatan ding nakikipagsiksikan sa mga bus terminal. Hindi man likas na kawatan, kapag nakakita ng oportunidad ay gumagawa na rin ng panlalamang at masama sa kapwa. Ingatan ang mga dalang gamit. ‘Wag hayaang ilagay ng konduktor ang inyong gamit sa compartment ng bus nang hindi n’yo nakikita. Maaaring picturan ang inyong bagahe para sa mga ‘di inaasahang pangyayari tulad ng pagkawala’t pagkuha ng iba. Itago ang mga bus at luggage ticket bilang patunay. Kung matutulog man sa byahe, siguraduhing ang mga valuables tulad ng cellphone at wallet ay naka-secure ay sa inyong bag at hindi madaling mapipitikan ng mga pick-pocketers o mga mandurukot.

Ang BITAG, nagpapaalala lang. Walang masama sa pag­e-enjoy ngayong holiday pero ‘wag pa ring kalimutang maging listo. Ilang taon na naming krusada ito, nasa BITAG ang babala pero nasa inyo pa rin ang pag-iingat.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with