A little late butstill proper
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

Huli man daw at magaling, tumpak pa rin. Medyo late ang decision ni PNP Chief Oscar Albayalde na ibakante na ang kanyang puwesto kahit magreretiro na siya sa papasok na buwan ng Nobyembre.

Gayunman, tama pa rin ang kanyang ginawa upang sagipin ang imahe ng Philippine National Police sa matinding kahihiyan at pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa ahensyang ito.

Hindi na kailangang idetalye pa ang pangyayari tungkol sa ilang kagawad ng PNP na nadawit sa recycling ng mga nakukumpiskang shabu at pati ang pangalan ni Alba­yalde ay nasangkot dito. Alam na iyan ng halos lahat ng mamamayan.

Parang nakabakasyon lang si Albayalde dahil kusa niyang isinailalim ang sarili sa non-duty status. Kasi nga naman, kung tuluyan siyang magreretiro-resign ay mawa­wala ang lahat ng kanyang benepisyo sa pagreretiro. Ma­rami pa rin ang napapataas ang kilay dito. Sabi nang ilan, hindi na dapat tumanggap ng retirement benefit si Alba­yalde sa pagkakasangkot niya sa anomalya.

Sa ganang akin, bago husgahan si Albayalde ay paba­yaan siyang sumailalim sa karampatang paglilitis upang mapatunayan ang kanyang kasalanan. Kahit maibigay pa ang kanyang retirement benefit, kung mahahatulan siyang nagkasala, puwede namang bawiin ang mga naturang bene­pisyo kahit ito ay naibigay na sa kanya.

Nagkakaisa ang mga Senador na kahit wala na sa active duty, isasampa pa rin ang kaukulang kaso laban kay Alba­yalde na ang pinakamababa ay kapabayaan sa tung­kulin at ang pinakamabigat ay direktang pagkakasangkot sa ano­malya na may parusang habambuhay na pag­ka­bilanggo.

At talagang dapat sampahan ng kaso si Albayalde dahil sa mabibigat na paratang sa kanya. Ang hukuman na lang ang bahalang magdesisyon, base sa mga ebidensya kung siya’y tunay na nagkasala o inosente. At kung totoong inosente si Albayalde, naniniwala akong madali niyang maidedepensa ang sarili sa hukuman.

No one should be above the law. Kung ang mga karaniwang mamamayan ay humaharap sa hukuman kapag may kaso laban sa kanila, dapat ding sumailalim sa ganyang proseso si Albayalde o kahit sinong may dapat panagutan sa hustisya. Kahit pa Pangulo ng bansa ay dapat humarap sa asunto kung tapos na ang umiral na immunity from suit sa kanila, kaakibat ng kanilang hawak na posisyon.

siya’y tunay na nagkasala o inosente. At kung totoong ino­sente si Albayalde, naniniwala akong madali niyang maidedepensa ang sarili sa hukuman.

No one should be above the law. Kung ang mga karaniwang mamamayan ay humaharap sa hukuman kapag may kaso laban sa kanila, dapat ding sumailalim sa ganyang proseso si Albayalde o kahit sinong may dapat panagutan sa hustisya. Kahit pa Pangulo ng bansa ay dapat humarap sa asunto kung tapos na ang umiral na immunity from suit sa kanila, kaakibat ng kanilang hawak na posisyon.

 

PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with