Kamay na bakal ni Gerald Bantag
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2019 - 12:00am

ANO kaya ang pumasok sa isip ni Pres. Digong Duterte at pinili niya si Gerald Bantag na Director General ng Bureau of Corrections (BuCor)? Isang tao na mukhang hoodlum, hindi nawawalan ng kontrobersiya sa mga pinamunuan bilang jail warden at tinaguriang berdugo. Pero sabi nga  “looks can be deceiving”.

Sa simula pa lamang ng pamumuno bilang BuCor chief nagpasikat agad si Bantag. Tinanggal ang mga personnel at pinalitan ng SAF para walang magiging sagabal sa kanyang paglilinis sa New Bilibid Prisons. Sa pinagsamang puwersa sa tulong ni NCRPO Chief Gen. Guillermo Eleazar siguro naman ay matutuldukan na ang problema sa ating pambansang bilangguan. Lahat nang drug lords, murderers at killers ay kabado sa bagong BuCor chief. Siyempre hindi nila ito puwedeng suhulan dahil sa bantang kakatayin niya ang magbibigay ng pasalubong sa kanya.

Ngayon sa nakikitang ginagawa ni Bantag parang nagmukhang walang ginawa sina dating BuCor chief at ngayo’y senador Bato dela Rosa at ang tinanggal na si Nicanor Faeldon ‘di ba? Mukha lang silang naging palamuti sa Bilibid. Sa kanilang pangalan ay mukhang mababangis dahil parehong mga sundalo pero sa pagpasok ni Bantag, zero ang grado nila sa akin. Kung maalala n’yo muntik pang mapalaya ang isang murderer at rapist na si Antonio Sanchez sa ilalim ni Faeldon, mabuti na lang at nabunyag at pinigilan ni Digong.

Para sa akin, hindi nagkamali si Digong kay Bantag. Nabigo siya kay Senador Bato at Faeldon at sigurado ako na sa magandang ipinamamalas ni Bantag, matutuldukan ang mga illegal na gawain sa Bilibid. Magandang simula ang pagbabawal sa cell phone sa mga empleyado.

Sundan natin ang susunod na kabanata ng bagong BuCor chief. ‘Yan ang kailangan sa Bilibid ang pinunong may kamay na bakal.

GERALD BANTAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with