^

PSN Opinyon

Pilit ginigiba si Albayalde

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PINUPULITIKA si Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde. Kung tatablan si Albayalde sa intriga tungkol sa “agaw bato’ o “ninja cops”, malulusaw ang ibubulong niya kay President Duterte na hahalili sa kanyang puwesto sa Nobyembre. Ang tinutukoy na hahalili sa kanya ay si National Capital Region Police Office chief MajGen. Guillermo Eleazar na may matinding record na ipinakita sa Metro Manila.

Si Albayalde ay pinili ni President Duterte dahil sa kalibre nitong ‘di matatawaran sa kampanya kontra droga at paglilinis sa mga pulis. Sa panahon ni Albayalde, nasibak ang mahigit 500 pulis na sangkot sa krimen, korapsiyon at sangkot sa droga. Naging aktibo ang mga pulis dahil sa walang humpay niyang pag-inspeksiyon sa police stations kaya ang mga pulis na pakuya-kuyakoy ay nasawata. Na­ging visible ang mga pulis sa kalye kaya nabawasan ang street crimes. Walang oras kung maglibot siya sa mga police station kaya nahuhuli ang mga natutulog at umiinom ng alak sa duty.

Hindi maitatatwa ang magandang nagawa ni Albayalde at ito ang ginigiba ng ilang ambisyosong opisyal na gustong maging PNP chief. Kaya kapag nagtagumpay ang grupo na gumigiba kay Albayalde tiyak na tagumpay din sila sa pagharang kay Eleazar, hehehe! Ngunit magtatagumpay kaya sila kay Duterte? Nasa kamay lang ni Duterte ang magiging kapalaran nina Albayalde at Eleazar. Mukhang nagsususpetsa na ang Presidente sa naglalabasang intriga. Sa pahayag kamakailan ni Duterte, mataas lang na opisyal ang nasa likod ng “ninja cops” subalit hindi general.

Kung pagbabasehan ang hearing sa Senado, may mga nagbubuyo para isangkot si Albayalde. Pilit na dinidiin si Albayalde na may kinalaman sa kamangmangan ni Maj. Rodney Baloyo nang anungin ito nina Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon at Senators Panfilo Lacson at Franklin Drilon hinggil sa pagsamsam ng 36 kilong shabu at pagpapakawala kay drug lord Jhonson Lee sa Pampanga. Maging sa pahayag ni dating general Gaerlan matatas na sinabi nito na walang siyang nakikitang kinasasangkutan si Albayalde kaya na relieved ito for command responsibility.

Malinaw na nagdusa na si Albayalde sa pagkakamali ng kanyang mga tauhan. Subalit ngayon ay pilit na inuungkat ang kaso at pilit pa rin siyang ikinakawing ng ilang ambisyosong opisyal upang masira ang kredibilidad. May naaamoy na may mga manok na gustong ihalili kay Albayalde sa PNP. May namumuo nga kayang away sa hanay ng PMAyers? Inaabangan ang magiging hatol ni DILG Secretary Año na isusumite kay Duterte.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with