^

PSN Opinyon

Pinay GF na nanghuthot sa Fil-Canadian, sinorpresa ng BITAG sa Biliran!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MINSAN, sa sobrang pagtitiwala natin ay nalilimutan na nating pag-isipang mabuti ang ating mga ginagawang desisyon sa buhay. Ibinibigay ang lahat kahit na ang kapalit ay wala namang kasiguraduhan.

Hindi bago sa amin ang mga sumbong na may kina­laman sa “Online Romance Scam.”  Ang siste, huhuthutan ang nobyo sa malayong lugar. Dahil nahulog na sa BITAG ng pagmamahal, madaling naloloko.

Pero nakapukaw ng aming atensiyon ang Filipino-Canadian na nagpunta sa aming action center. Umuwi pa ga­ling Canada para makipagkita sana sa nobya niyang matagal na niyang ka-chat sa internet. Duda niya, pinaikot lang siya nitong parang isang tsubibo. Pagdating kasi niya rito sa Pinas ay hindi na siya kinausap pa ng GF niya. Ang masama rito, pinautang niya pala ito at binigyan pa ng perang pangnegosyo na umabot sa kulang-kulang P300,000. Scammer pala ang loka!

Kaya live sa Pambansang Sumbungan Aksyon Ora Mismo­ ay tinawagan namin ang kanyang nobyong taga-Leyte. Palusot nito, hindi naman daw siya nagtatago at naging busy lang daw. Kaya biniro ko pa ngang mag-ayos na lang sila kahit na maging ninong pa ako ng kasal nila. Binigyan namin ng pagkakataon ang Pinay at nagkasundong luluwas siya pa-Maynila para makapag-usap sila ng personal ng aming complainant. Sinagot na rin ng complainant ang air fare nito para siguradong matutuloy ang kanilang pagkikita.

Biyernes, Setyembre 20, takdang araw ng paghaharap­ sa BITAG Pambansang Sumbungan, hindi na naman sumi­pot ang kolokay. Ang ayoko sa lahat, hindi tumutupad sa usapan. Kaya naman kinabukasan, ako na mismo ang sumama sa aming complainant patungong Naval, Biliran Island sa Leyte.

Surprise, surprise! Natunton ng BITAG ang  kanyang Pinay GF. Dinaan lang kami sa iyak at paikut-ikot na kuwento. Hindi raw siya tumuloy pa-Maynila dahil hindi raw siya pinayagan ng kanyang nanay. Inaasahan niya na rin naman daw na darating ang aming team sa kanilang lugar.

Kung ang perang inutang ang pag-uusapan ay mukhang malabo na siyang mabayaran nito base sa nasaksihan niyang kalagayan ng nobya. Mukha ng kahirapan ang nakitang sitwasyon ng Fil-Canadian kaya diretsahan kong sinabi, ‘wag nang umasa. Hindi naman ito magtatago kung meron itong pambayad. Higit sa lahat, puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig nito, hindi ito kailanman naging tapat sa pobreng lalaki.

What we did was to give the guy the closure that he deserves. Alam na rin naman nito ang kinahinatnan ng kanyang pagtitiwala sa kanyang nobyang scammer and we will not let her abuse him more.

vuukle comment

ONLINE ROMANCE SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with