^

PSN Opinyon

Attorney (nga ba?), tiklop sa BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING kompanyang ang ginagamit ang laki ng kanilang pangalan para makapanlamang sa mga maliliit na tao. Ito yung mga kolokoy na gustong-gustong subukin ng BITAG. Sa una, magtatapang-tapangan. Pero kapag kami na ang nanghimasok, parang mga tupang mag-aamo-amuan. Nawawala ang yagbols!

Itong aksidenteng kinasangkutan ng Regasco Gas Corpo­ration, June 2019 noong mabangga ng kanilang driver ang complainant na lumapit sa amin. Sa police station ay nagkaroon sila ng kasunduan na babayaran na lamang ang danyos upang hindi ma-impound ang kanilang sasakyan. Sa kasulatan, nakapirma ang driver na naka-aksidente at ang Area Supervisor ng Regasco na babayaran ang biktima kinabukasan. Pero ginawang tanga ang biktima at nakaka-ilang balik na ito sa Regasco kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababayaran.

Kaya naman ora mismo ay sinamahan ng BITAG Strike Team ang nagrereklamong biktima sa tanggapan ng Regasco Republic Gas. Humarap ang legal consultant ng kumpanya na si Atty. Miguel Ponce Jr. Naging mainit at maanghang ang balitaktakan ng abogado at ng aking staff. Itong ob-ob na abo­gado, ipinipilit na wala silang pananagutan sa nangyari dahil hindi na raw sa kanila nagtatrabaho ang driver. Hindi rin naman daw authorized pumirma ng kasunduan ang driver kaya balewala lang ito. Anong sinasabi mo Atty. Paul-Paul este Atty. Ponce, balewala ang kasunduan e nakapirma rin ang Area Supervisor niyo? It was an agreement done by both parties sa estasyon ng pulis mismo. Kung tutuusin, nasa impounding area dapat ang sasakyan ng Regasco na sangkot sa aksidente. Pasalamat kayo at nakipagkasundo pa ang biktima.

If you will start an argument, make sure you know what you’re saying because logistically and legalistically, talo ka!  Lawyer ka pa man din! Staff ko pa lang, maihi-ihi ka na sa butas-butas mong karsunsilyo. Ano pa kaya ‘pag ako na ang kaharap mo?! Sa huli ay tiklop din naman ang abogado. Magpasa na lang daw ang biktima ng complaint letter sa kanila na agad naman nitong ginawa. Inaasahang sa loob ng dalawang linggo ay malalaman na ang sagot ng Regasco tungkol sa reklamo laban sa kanila.

Payo ko sa’yo Atty. Miguel Ponce Jr., baka kailangan mo ng mag-iba ng propesyon. ‘Di kasi uubra ang pagkapilosopo mo sa BITAG. Staff ko pa lang, ‘di mo malusutan, sa mas malalaking bagay pa kaya? Tsk-tsk-tsk! Tututukan namin ang problemang ito. Hindi ito matatapos nang walang maayos na solusyon. You can run but you can’t hide. Kapag nahulog na kayo sa BITAG, siguradong hindi na kayo makakatakas.

vuukle comment

REGASCO GAS CORPO­RATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with