Pagbaba ng presyo ng palay hindi dahil sa RTL
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2019 - 12:00am

HINDI dapat isisi sa Rice Tariffication Law (RTL) ang pagbaba ng presyo ng palay, sabi ni Agriculture Secretary William­ Dar bilang sagot sa mga batikos ng ilang rice tra­ders and millers. “Even before the inaction of the Rice Tarif­fication Law, mayroon nang pagbaba ng palay prices, so may nagsasamantala nito,” ayon pa kay Dar.

Mukhang nahahalukay na ni Dar na may nagmama­nipula nga kaya ang naapektuhan dito ay mga malilit na magsasaka. Sa madaling salita, hindi magtatagal­ at mala­lansag din ang panggugulang ng mga tusong­ negosyante ng bigas at mahubaran ng maskara ang mga sangkot dito. Sa pagtukoy ni Dar, gagawin nila ang lahat upang mai­sa­gawa ang layunin ng batas na ito lalo na ang isyu ng hoarding. Naniniwala si Dar na may ilang rice trades and millers na sinamantalang mag-imbak na ng bigas habang isinasapinal pa lamang ang RTL, pero hindi makalu­lusot ang mga ito dahil may anti-hoarding law ang bansa. “Mayroong pumasok na mga imports at the same time when the RTL was being finalized that season, binag­sak na nila ang presyo ng palay, so paano mo ma-aattribute na RTL ‘yan and that was like taking opportunity na ibinagsak na  ang presyo at hindi na sila  bumili so they stop buying, they stop milling,” sabi pa ni Dar.

Malaking palaisipan kasi ito sa kalihim kung bakit ang ilang naunang inangkat na bigas sa ibang bansa ng ilang rice trader ay ‘di pa rin luma labas sa mga merkado hanggang ngayon. Katulong ng DA ang Department of Trade and Industry upang ma-monitor ang kilos ng ilang rice trader na umano’y gumagawa ng hoarding ng bigas. Pa­­­­li­wanag ni Dar, hindi rin dapat isisi ng mga farmers­ group at consu­mers sa mga nag akda ng batas sa Senado sa pa­ngunguna ni Sen. Cynthia Villar ang pag­baba ng preyong palay sa merkado nitong mga nakaraang buwan.

Sinang-ayunan ni Dar  ang pahayag ni Villar na mas  malaki ang mawawala sa mga magsasaka sa ilalim ng tariffied system kung walang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na nagkakahalaga ng P10 billion kada taon hanggang 2026. Idinagdag pa ni Villar na suportado siya ng kanyang mga kasama sa Senado sa pagsusulong sa pag-aangat sa sektor ng agrikultura  nang aprubahan ang bill sa rice tarification sa botong  14-0.

Nilagdaan ni President Duterte ang bill noong Pebrero at naging  epektibo noong nakaraang Marso ng kasalukuyang taon. Sa puntong ito, nagpahayag din si Dar na ilalabas lahat sa mga pamilihan ang mga stock na bigas ng NFA upang bumaha ng bigas at mapipilitang magbaba ng presyo ang mga commercial rice. At ang mapagbibilhan ng mga bigas ng NFA ang ipambibili ng palay sa mga magsasaka sa halagang P19.00 kada kilo. Malaking bagay ito dahil kahit papaano’y madadagdagan ng P8,000 ang kikitain ng mga magsasaka. Subalit may kaunting sakripisyo ang magsasaka nito dahil aalisin na ang P3,000 incentives na dating ibinibigay sa kanilang palay na tuyo. Kaya mga kababayan ko na magsasaka, suportahan natin ang proyekto ni Secretary Dar.

RICE TARIFFICATION LAW WILLIAM­ DAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with