^

PSN Opinyon

Suspendido na muna ang GCTA

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SASABIHAN ng Department of Justice (DOJ) ang Korte Suprema na sususpendihin na muna nila ang pagpro­seso sa mga bilanggo na maaaring makinabang sa good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil sa matinding galit at reaksiyon sa posibilidad na maagang mapalaya si Antonio Sanchez. Ang Korte Suprema ang nagdesis­yong aprubahan ang GCTA noong 2013.

Kailangang pag-aralang mabuti ng BuCor ang mga patnubay ng GCTA at alamin kung sino ang karapat-dapat na mapasailalim sa batas na ito. Si Sanchez ay may mga malalaking paglabag habang nakakulong, kaya hindi siya dapat mapasama sa GCTA.

Ang mga nakakulong dahil sa mga tinatawag na “heinous crimes” ay hindi rin dapat pinalalaya, kahit gaano pa bumait sa loob ng kulungan.

Pag-aralan din dapat ng DOJ ang batas na nagsasabing walang makukulong ng higit 40 taon. Ano pala ang silbi na mahatulang pitong habambuhay na sentensya kung isang 40 taon lang pala ang sisilbihan?

Mabuti na lang talaga at naging matindi ang reaksyon ng halos lahat sa isyung ito. Siyempre huwag na nating banggitin ang pahayag ni Sen. Bato dela Rosa. Dapat lang himayin ng BuCor ang mga maaaring mapasailalim sa GCTA.

Hindi ko nga alam kung bakit tila ngayon lang gagawin ng BuCor. Kung hindi pala nalaman na kasama si Sanchez sa higit 10,000 bilanggo na maaaring makinabang sa GCTA ay pinalampas na nila?

At bakit nga ba nasama sa listahan si Sanchez kung may mga paglalabag sa mga nakaraang taon? Kaya hindi maalis sa marami na baka may naganap na “magic” kaya nasali sa listahan.

Mismo ang huwes na humatol kay Sanchez ay umalma. Ayon kay Sanchez, inosente raw siya sa krimen. Nabigyan tuloy ng pagkakataong magsalita pero huwag niyang insultuhin ang Pilipino.  

Walang argumento na may mga bilanggo na maaaring mapasailalim sa GCTA. Trabaho ng BuCor iyan at sila ang mas nakakaalam ng sitwasyon o kasaysayan ng bawat bilanggo. Dapat himaying mabuti.

Tanggalin na ang lahat ng may kasaysayan ng paglalabag sa mga alituntunin habang nakakulong tulad ng pagpasok ng kontrabando. Kahit isang beses lang ginawa ay wala na dapat sa listahan. Ano ba ibig sabihin ng “good conduct”, hindi ba?

vuukle comment

ANTONIO SANCHEZ

CONDUCT TIME ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with