^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampeon ng kalikasan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kampeon ng kalikasan

HINDI malilimutan ang mga sinabi ni Gina Lopez noong Hunyo 2016 nang hirangin siya ni President Rodrigo Duterte na Environment secretary, “I don’t like mining, the foreigners and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.”

Hindi nga niya gusto ang pagmimina sapagkat bukod sa sinisira ang kapaligiran, sinisira rin ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Tinotoo niya ang pag-ayaw sa mining companies. Umabot sa 22 mining companies ang kanyang na­ipasara at 12 contracts sa pagmimina ang kanyang kinansela sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Duterte administration. Ang 22 mining companies ay napatunayang lumabag sa mga itinatakdang batas at bumagsak din sa siltation, soil erosion, dust emission at kawalan ng social at development projects. Napa­tunayan din na sinisira ng mga ito ang kagubatan.

Hindi naipagpatuloy ni Lopez ang kanyang adbo­kasiya na mailigtas ang kalikasan laban sa mga ma­pang-abusong mining companies sapagkat ni-reject siya ng Commission on Appointment (CA) noong 2017. Labing-anim na senador ang bumoto para ma­alis siya sa puwesto at walo ang pumanig sa kanya. May pait sa tinig ni Lopez makaraang ma-reject, sabi niya, ang interes sa negosyo ang nangibabaw.

Bukod sa paglaban sa iresponsableng mining companies, adbokasiya rin niya ang paglilinis sa maruming Ilog Pasig at mga estero sa Metro Manila. Siya rin ang nagpasimuno sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa malawakang pagtatanim ng bakawan sa Palawan.

Noong Lunes, pumanaw na si Lopez sa edad na 65 dahil sa brain cancer. Ganunman, pumanaw siya na mayroong naiwang magandang alaala sa mama­mayan --- ang pagmamahal sa kalikasan. Hindi malilimutan ang kanyang pagtatanggol para mailigtas ang kapaligiran laban sa mga gahaman. Alam niya na may karapatan ang bawat Pilipino sa isang malinis at malusog na kapaligiran. Hangarin niyang mawala ang mga humuhukay sa mga bundok at kumakalbo sa kagubatan. Pangarap niyang hindi na magbaha sa darating na panahon.

Hindi malilimutan ang mga ginawa ni Gina Lopez – ang kampeon ng kalikasan.

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with