Mga abusadong turista sa bansa
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

ANG insidenteng nangyari sa Boracay na ginawang palikuran ng isang turista ang isla ay hindi katanggap-tanggap para sa akin. Mantakin n’yo pinasara ito ni President Digong ng anim na buwan upang ayusin at linisin ayan at bababuyin lang ng isang dugyot na banyaga. Siguro naman bago kayo makarating sa Bora ay may mga rules and regulations kayong mababasa o baka naman sadya lang matigas ang mukha ng dayuhang ito.

Sa dinami-dami ng bumibisitang turista sa ating bansa kakaiba ang ugali ng galing China at Korea. Hindi ko naman nilalahat pero karamihan sa kanila ay abusado at aroganteng mga turista. Ako’y nagtataka dahil kabaliktaran sila ng mga Japanese. Sinakop tayo ng mga Hapones noong World War 2 hanggang sa palayain tayo ng mga US Forces. Ilang dekada na ang lumipas, nag-iba na ang ihip ng hangin at masasabi kong magalang at disiplinadong turista ang mga Japanese na ‘di-tulad ng ibang lahi.

Isa ang bansa natin na paboritong destinasyon ng mga Chinese at Koreano. Sa katunayan nga marami nang naakit manirahan dito sa atin bukod sa kalapit nating bansa ay malaya silang nakakapagnegosyo, bukod diyan mas mababa ang halaga ng ating pera kumpara sa kanilang salapi.

Ang siste nga lamang ay merong mga negosyanteng illegal ang negosyo nila rito sa atin dahil mahuli man sila ay pagkakakulong lang ang parusa ‘di tulad sa sarili nilang bansa na bibitayin sila.

Dito lang sa lugar namin, napakaraming Koreanong nangungupahan ng bahay dahil nga may mga negosyo sila. Ang problema nga lamang, naghahari-harian sila sa kalye. Kailangan ko pa silang businahan upang tumabi dahil sa gitna sila ng kalsada naglalakad.

Dapat matuto silang sumunod sa ating batas mapa-turista man o hindi. Dahil ganundin tayo kung nagpupunta sa kanilang bansa, inaalam natin ang batas nila.

BORACAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with