Ebidensiya na naman
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2019 - 12:00am

IPINAKITA ni Jay Batongbacal, direktor ng University of the Philippines’ Institute for Maritime Studies and Law of the Sea ang imahe mula sa isang Japanese analyst ang umano’y ruta ng Chinese aircraft carrier Liaoning kung saan dumaan ito sa Sibutu Strait na bahagi ng teritoryo ng hilagang Pilipinas. Pareho rin ang imahe na lumabas sa isang pahayagan sa Taiwan.

Sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya, hindi na talaga makakatago ang anumang barkong lumalayag sa karagatan. At siguradong hindi nag-iisa ang Liaoning habang lumalayag. May mga kasabay itong barkong handang dumepensa rito kung kinakailangan tulad ng destroyers at cruisers.

Binanggit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ilang beses dumadaan ang mga barkong pandigma ng China sa Sibutu Strait ngayong taon pero hindi ipinaaalam sa bansa. Wala naman daw problema kung malayang dumadaan lamang pero sana ipinaaalam. Itinanggi naman na ang Liaoning nga ang dumaan pero ito na naman ang ebidensiya na unang binanggit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na walang pagod na ipinagtatanggol ang ating teritoryo.

Lumalabas na kapag China ang dumadaan sa loob ng ating teritoryo ay hindi ipinaaalam sa bansa pero kapag mga barko, eroplano natin o ng ibang bansa ang lumalapit sa mga artipisyal na isla na hindi pa nga dinedeklara na kanila ay banta ang maririnig.

Nanawagan naman ang Palasyo sa Beijing na parusahan ang mga mangingisda – kung talagang mga mangingisda – na sangkot sa pagbangga sa Gem-Vir 1 sa Recto Bank kung saan iniwan na lang sila. Ito ay sa kabila na kalalabas lang na pagsusuri kung saan halos 40 percent ng mamamayan ang pabor sa pagparusa sa mga bumangga sa Gem-Vir. Tila wala na akong naririnig sa isyu na ito kung hindi pa lumabas ang bagong pagsusuri.

Wala nang naririnig mula sa China at wala na ring naririnig mula sa gobyerno at wala na ring naririnig mula sa mga kababayang mangingisda. Isama na rin diyan ang pagbawi ng kaso sa gobyerno na protektahan ang ating mga mangingisda at yamandagat.  Kaya siguro kampanteng-kampante lumayag ang anumang barko ng China maging sibilyan o pandigma dahl alam na may umiidolo sa kanila sa Palasyo. 

JAY BATONGBACAL UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with