Mainam ang ROTC sa college, hindi HS
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

REPASUHIN sana ng 18th Congress ang panukalang ROTC (Reserve Officers Training Corps) sa Grades 11 at 12. Tung­kulin ng bawat Pilipino ang sumailalim hindi lang sa military­ training kundi pati sa kaayusan at sakuna. Halimbawa, para sa katahimikan sa eleksiyon o rescue sa baha. Saad sa Konstitusyon na maaaring ipatawag ng gobyerno ang ma­mamayan para depensahan ang estado, at para dito ay dapat personal na magserbisyo militar o sibil. Pero nanga­nganib ang ROTC kung sa senior high school. Ma­inam kung isaka­tuparan ito sa college.

Mahalaga rito ang edad. Ang mga Grades 11 at 12 ay 16-17 anyos lang, o menor de edad. Ang mga freshmen at sophomore sa college o vocational courses ay 18-19 na taong gulang, o edad ng mayorya.

Nu’ng 2002 ginawang kusa na lang ang ROTC. Sumunod na taon lumagda ang Pilipinas sa Optional Protocol on Children Involved in Armed Conflict, o OPAC. Bahagi ito ng UN Convention on the Rights of the Child. Binawalan ng OPAC ang mga pumirmang bansa na sapilitang pasilbihing militar ang mga menor de edad. Inatasan ang mga gobyerno na parusahan ang mga lumalabag. Kaya kinukulong ang mga rebeldeng komunista, separatistang Moro at terorista na mag-recruit ng mga bata.

Ang pakay ng ROTC ay maging reservist ang mga gra­duates ng training. Walang exemption: babae o lalaki, mati­puno o may kapansanan. Saad sa Reservists Act na dapat 18 anyos-pataas ang recruit.

Kapag nagtapos ang Grade 12 student ng ROTC sa Marso ng school year ay 17-anyos pa lang siya. Hindi siya ma­a­aring mag-enlist na reserba o regular na sundalo hanggang hindi siya 18. Sayang lang ang training kung hindi siya mamomobilisa para sa depensa ng teritoryo kontra sa manlulupig o tumulong sa kaayusan at sakuna. Tinatayang P52 bilyon ang magagasta sa ROTC training ng Grades 11 at 12 taun-taon, pero hindi sila mapapakinabangan. Pero kung sa college, husto sila sa gulang, 18-19 na, para pagsilbihin sa bayang minamahal.

RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with