Target: pondo ng 30th Asian Games
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

FAKE news: Binawi raw ni Pangulong Duterte ang suporta sa Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee (PHISGOC) na pinamumunuan ni incoming Speaker Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano. Iyan ang ipinakakalat ng grupo ni Peping Cojuangco. Anang aking source, ito’y para makontrol ang bil­yung pisong pondo sa 30th Asian (SEA) Games na ga­ga­­napin sa bansa sa darating ng Nobyembre. 

Anang grupo, hindi sang-ayon si Duterte sa ginagawa ng Committee para magtagumpay ang hosting ng Pilipinas ng SEA Games. Malayo iyan sa katotohanan. Isa lang palang demolition job laban kay Cayetano at sa PHIS­GOC ang mga balitang ito. Ibig lang mabawi ni Cojuangco ang pamumuno sa Philippine Olympic Committee (POC) upang makontrol ang pondo ng SEA Games.

Sa totoo lang, ang Pangulong Duterte mismo ang nagpalabas ng Memorandum Circular No.56 noong Enero 25. Inaatasan dito ang lahat ng government agencies, maging mga government-owned and controlled corporations, na ibigay ang buong suporta sa Philippine SEA Games Oganizational Committee Foundation Inc. 

Nakasaad dito na ang PHISGOC Inc. ay isang “non-stock, non-profit organization” “created to oversee the pre­parations and execution of the Philippines’ hosting of the 30th SEA Games in 2019.” Klaro ang sinasabi ng circular. Nakalimutan ba nina Cojuangco na inaprubahan ng Pangulong Duterte ang karagdagang pondo na P1-billion para sa SEA Games dahil sa pakiusap ni Caye­tano na nagpaliwanag sa Gabinete kung ano ang mga preparasyon para sa darating na palaro? Ito ay pandagdag sa badyet ng SEA Games dahil P5-billion lang ang naaprubahan ng Kongreso sa P7.5-billion na hiningi ng PHISGOC para sa event na ito. 

 Napagkasunduan din sa Cabinet meeting na iyon na ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) ang tutulong sa PSC na makakalap ng supplies, sporting goods and equipment at service contractors para sa SEA Games para matiyak na bawat sentimo ay hindi masasayang at mapupunta lang sa bulsa ng kung sino-sino. 

Noong 2005 nang naghost din ang Pilipinas ng SEA Games, sinabi ni Sports Commission chairman Harry Angping na may P73.2 million ang hindi na-liquidate ni Cojuangco sa ginamit na pondo sa SEA Games. Kaninong bulsa kaya napunta ang pera? Sa halip na manira at guluhin ang preparasyon sa darating na sports event, dapat manahimik na lang ang grupo ni Cojuangco. 

ALAN PETER CAYETANO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with