Mga bagitong pulitiko
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

NOONG nakaraang halalan, nakita natin ang mga bagong mukha sa larangan ng pulitika. Karamihan sa mga nanalo ay mga bagito mula senador hanggang sa mayor. Nagpalit na ng istilo ang mga botante at itsapwera na ang mga lumang mukha na halos dekada nang kapit tuko sa puwesto. Tanggal na ang mga kinalawang na pulitiko. Taumbayan na ang nagparetiro sa kanila.

Sawang-sawa na ang taumbayan sa mga pulitikong matatamis manalita tuwing araw ng kampanya na kapag nanalo na, limot na ang pangakong binitawan. Dito sa Metro Manila karamihan sa mga nanalo ay bagong mukha sa puwesto lalo na sa mayor. Tulad ni Isko Moreno ng Maynila, Joy Belmonte ng QC, Vico Sotto ng Pasig at Francis Zamora ng San Juan. Tinagurian mang mga batang puli­tiko pero sa unang mga araw pa lamang sa puwesto nagpakitang gilas na sa mga tao.

Pinakasikat ngayon si Mayor Isko ng Maynila. Nag-um­pisa ng trabaho at nilinis agad ang kanyang nasasakupan partikular ang Divisoria. Hindi naman lingid sa ating lahat lalo na sa mga biyaherong napapadpad ng Maynila na ang sentro ng kalakalan dito ay ang Divi­soria. Ngayon, napakalaki ng ipinagbago ng Divisoria at iba pang lugar gaya ng Carriedo, Quiapo, Plaza Miranda, Recto, Raon at paligid ng City Hall na ginawang kubeta.

Si Isko ay magandang modelo sa lahat ng pulitiko sa bansa at dapat tularan. Sana ang lahat nang mayor ay tumulad sa kanya. Tingnan natin kung hindi umunlad ang ating bansa. Walang problemang hindi nasosolus­yunan nasa namumuno lang ‘yan.

Diyan natin makikita na hindi na umepekto ang pera ng pulitiko nu’ng nakaraang election. Tinanggap ng mga botante ang pera pero bumoto ng naaayon sa konsensiya. Kita n’yo talsik ang mga traditional politician. Halimbawa na riyan ay ang Estrada Family na parang pinagkaisahan ng mga botante, di ba?

Ipagpatuloy ang magandang naumpisahan upang tularan ng mga susunod pang henerasyon.

POLITICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with