EDITORYAL - Bangis ng dengue
(Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

IDINEKLARA ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit at marami na ang naiulat na namatay. Ayon sa report, mula Enero hanggang Hunyo, 106,630 na kaso na ang naitala at 456 katao na ang namatay.

Pinakamataas ang Region 6 na may 13,164 na kaso at may 78 na ang namatay. Sumunod ang Region 7 na may 9,199 na kaso at 60 ang namatay. Ikatlo ang Region 4-A na may 11,474 na kaso at 46 ang namatay. Ang National Capital Region ay may 7,315 kaso at 26 na ang namatay.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ng national alert. Ito ay para maipabatid sa publiko ang pag-iingat at maging handa sa nakamamatay na sakit na dulot ng lamok. Ayon kay Duque, nagpadala na ang kagawaran ng mga trained specia­list sa mga lugar na laganap ang dengue. Ipinaalala ni Duque na ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay ang pangunahing panlaban para hindi kumalat o mabuhay ang mga lamok.

Ang dengue ay hatid ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Ang lamok na ito na kadalasang nangangagat tuwing araw ay madaling makikilala dahil sa batik-batik na katawan. Karaniwang mga bata ang nabibiktima ng dengue.

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na may dengue. Huwag i-istak ang mga basyong bote, lata, gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa panahon ng tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi uma­agos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat paigtingin ng DOH. Magbigay ng inpormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang paglilinis sa loob ng bahay at kapaligiran. Ituro sa kanila kung paano wawasakin  ang tirahan ng mga lamok.

DEPARTMENT OF HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with