^

PSN Opinyon

Nag-recruit, nanguha ng passport, nagtago… pinalutang ng BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGING modus na ng ilang mapagsamantalang manpower at recruitment agencies na pagkaperahan ang mga aplikanteng hindi pumasa patungong ibang bansa. Pina­tutubos ang mga dokumento lalo na ang passport sa ilalaang halaga.

Gamit ang sanlibong dahilan, kesyo hindi nagustuhan ng employer, kesyo hindi pumasa sa medical kuno o di naman kaya ay sadyang patatagalin at ibibinbin ang application. Hanggang ang pobre, sumuko na sa tagal ng kanyang paghihintay. Ang masaklap, kapag ang manggagantsong agency ay nagsarado na at naglahong parang bula, at ang mga recruiter ay bitbit ang inyong mga doku­mento. Naloko na, kawawa ang manggagawang uma­asang makapa­ngibang-bansa.

Ganito ang reklamo ng isang single mom na lumapit sa BITAG. Matapos siyang gawing bola at tsubibo ng kanyang recruiter at nagsaradong agency, sa amin na siya lumapit sa kawalan ng pag-asang mabawi pa ang kanyang passport. Hindi na raw kasi siya matutuloy mag-abroad dahil bagsak ang medical exam niya. May nakita raw pilat sa kanyang baga. Winithdraw ng ale ang kanyang application sa Venus agency na pinag-applyan.

Madali lang sa BITAG na bawiin ang kanyang dokumento. Dahil ayon sa batas, bawal i-hold at ipatubos ng kung sinong Poncio Pilato ang passport na hindi niya pag-aari. Isang malaking hamon sa BITAG ang sitwas­yon ng ale dahil sarado na ang Venus Agency at nowhere to be found na rin ang kanyang recruiter. Subalit, may paraan at taktika ang BITAG para maglutangan ang dapat mahanap.

Sinubukan naming makipag-ugnayan sa CB & T Pro-Staff, Inc, ang bagong pangalan umano ng nagsaradong Venus Agency. Kitang-kita sa aming undercover camera ang kabastusan ng mga staff habang kausap ang nagre­reklamo. Iisa ang kanilang tono, wala raw sa kanila ang pasaporte ng pobre. Magkaiba raw ang may-ari ng kanilang ahensiya at nagsarang Venus Agency kaya wala silang pananagutan sa binabawi ng mga aplikante nito.

Sa isang malikhaing paraan at sa tulong ng Ermita Police Station 5 pinalutang namin ang target na recruiter. Paano – mapapanood ‘yan sa aming YouTube Channel, uploaded na ang buong storya. 

Katakut-takot na kasinungalingan at patutsada ang ginamit na dahilan ng recruiter kung bakit hindi na mahagilap pa ang passport ng nagrereklamo. Sa huli, umamin din sila sa pagkakamali at nagkasundong sosolusyunan ang sumbong. Trabaho lang namin sa public service ang maging tulay upang maresolba ang mga reklamong idinudulog sa aming tanggapan ano pang klase ito. Dahil hindi namin estilong gatasan ang problema ng iba para magpapogi at drama, solusyong Aksyon Ora Mismo lang.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with