Sino kaya?

DAVAO CITY – Hanggang ngayon, hindi pa rin sigurado kung sino talaga ang magiging House Speaker sa darating na 18th Congress.

Ilang araw na lang at State of the Nation Address (SONA) na ni Pres. Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Nandoong lumutang ang pangalan ni presidential son at Davao CIty first district Rep. Paolo Duterte na isa sa mga nagnanais na maging House Speaker.

Ngunit pinabulaanan ni Paolo ang nasabing balita. Wala siyang interes sa nasabing position at nagkausap na sila ng kanyang ama na si President Duterte sa isyung ito. 

Ang iniendorso ni Paolo ay si Davao CIty third district Rep. Isidro Ungab na dating chairman ng budget and finance committee ng nagdaang 16th Congress.

Ngunit hindi pa nagpapatalo ang mga nagnanais ma­ging Speaker na sina Representatives Alan Peter Caye­tano, Lord Allan Velasco at Martin Romualdez.

Ika nga, it is still anybody’s ballgame ngayon.

Hintayin na lang natin kung sino ang lalabas na House Speaker ng 18th Congress.

Show comments