^

PSN Opinyon

Pilipinas at Vietnam

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINASALAMATAN ni Pres. Rodrigo Duterte ang kapitan at tripulante ng Vietnamese vessel na sumagip sa 22 mangingisdang Pilipino makaraang banggain ng barko ng China sa Recto Bank. Nasa Bangkok, Thailand si Duterte para sa ASEAN Summit. Hindi makakalimutan ng mga Pilipino ang kabaitan na ipinakita ng Vietnam sa mga mangingisda.

Hindi rin makakalimutan ang ginawang pag-iwan ng bumanggang barko ng China sa mga mangingisda nating palutang-lutang na sa dagat, bagay na hindi binanggit ni Duterte. Pangkalahatang mga pahayag ang binanggit ni Duterte na may kinalaman sa soberenya at pagsunod sa international law.

Hindi ako magtataka kung ipinaalam ng punong mi­nistro ng Vietnam na karaniwang binabangga ng mga barko ng China ang kanilang mga barko sa Paracel Islands, kaya hindi na bago sa kanila ang nangyari sa F/B Gem-Ver 1. Pero kumbinsido na nga ang administrasyon na aksi­dente lang, at hindi na dapat pinalalaki. Paano naman ang pag-iwan sa kanila? 

Nagpahayag din si Duterte ng pag-alala at dismaya sa mabagal na negosasyon para sa pagkaroon ng Code of Conduct sa karagatan. Ang mga alituntuning mapapanukala sa nasabing Code of Conduct ang magsisilbing gabay sa lahat ng bansa sa rehiyon para maiwasan ang mga insidenteng katulad ng naganap sa Recto Bank kung saan maaaring mauwi sa hindi pagkaunawa na magiging sanhi ng pagsapalaran.

Pero sa totoo lang, hindi ba ang kailangang sumunod sa nasabing Code of Conduct kung sakaling matapos ay ang China, dahil sila naman ang umaangkin ng halos buong karagatan? 

Magiging walang silbi ang Code of Conduct sa karagatan kung hindi rin susunod ang China at sasabihing sa kanila naman ang karagatan at mga isla kaya ang gusto nila ang masusunod. Kaya mahalaga na maintidihan ng China ang ibig sabihin ng Code of Conduct.

Hindi na matatanggap ang mga “hindi sinasadyang banggaan” ng mga bangka sa dagat, dahil may kasunduan nang inilikha na saklaw ang lahat ng bansa sa rehiyon. 

vuukle comment

PILIPINAS AND VIETNAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with