^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pulbusin ang Sayyaf

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pulbusin ang Sayyaf

NANGIDNAP na naman ang mga bandidong Abu Sayyaf noong nakaraang linggo sa Sabah, Malaysia pero dahil walang pambayad ng ransom ang siyam na bihag, inabandona nila ang mga ito sa kagubatan ng Talipao, Sulu noong Biyernes. Hindi naman makumpirma kung mga Malaysian o Pilipinong Badjao ang mga kinidnap na ngayon ay nasa kustodiya ng Talipao police.

Kahit pa sabihing nagpakita ng awa ang mga bandido kaya inabandona ang mga bihag, hindi pa rin ito dahilan para hindi ipagpatuloy ang pagtugis at pag-ubos sa mga ito. Nagkataon lang na walang pangtubos ang mga bihag kaya inabandona. Tiyak na sa mga susunod na araw o linggo, tiyak na ma­ngingidnap na naman ang mga bandido at tatargetin nila ay mga dayuhan na may kakayahang magbayad.

Kaya ang pinakamagandang magagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay huwag nang tantanan ang opensiba sa mga bandido. Kamakailan, 10 Abu Sayyaf ang napatay ng mga sundalo sa Sulu rin. May mga nahuli ring Abu Sayyaf sa Metro Manila noong nakaraang linggo.

Ayon sa report mismo ng AFP, nasa 1,000 na lang ang bilang ng mga bandido. Mula 2016 nang naupo si President Duterte, nalagas nang nalagas ang mga ito dahil sa sunud-sunod na pagsalakay sa mga kuta nito sa Basilan at Sulu. May mga napatay din sa mga ito habang tumatakas makaraang mangidnap.

Ang labis na pagkatakot sa mga bandido ang dahilan kaya may mga dayuhan na ayaw dumalaw sa bansa. Karamihan din ay ayaw mag-invest ng kanilang pera dahil sa takot makidnap at patayin. Huling biktima ng Abu Sayyaf ay ang Dutch national na si Ewold Horn na pinatay noong Mayo 31 nang magtangkang tumakas. Binihag si Horn noong Peb. 2, 2012 kasama ang isang Swiss national at isang Pinoy sa Tawi-Tawi. Nakatakas ang Pinoy at Swiss noong 2014.

Mula 2016, ilang dayuhan na ang pinatay ng mga bandido. Kabilang dito si Juergen Gustav Kantner­, isang German; John Ridsdel at Robert Hall na pawang mga Canadian. Hindi sila nakapagbigay ng ransom kaya pinugutan.

Makakaya ng AFP na ubusin ang Abu Sayyaf. Isang planado at malawakang pagsalakay ang ka­ilangan para masigurong pulbos ang mga bandido. Marami ang matutuwa kapag nalipol ang mga salot na mamamatay-tao.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with