Hindi matanggap
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2019 - 12:00am

HINDI ko kinailangan ng mga imahe mula sa satellite para patunayan na hindi naman pinaligiran ng mga bangka ng mga Pinoy na mangingisda ang barkong pangisda ng China na bumangga sa GemVir 1. Sa simula pa lang, puro butas ang salaysay ng China hinggil sa insidente. Hindi ko alam kung may naniniwala sa kanilang kuwento.

Ang nais nga ni Sen. Dick Gordon ay magsampa ng extradition sa International Maritime Organization (IMO) hinggil sa naganap na hit and run. Nilabag daw ng China ang United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) at iba pang mga batas hinggil sa kaligtasan sa karagatan. Ito rin ang plano nang gawin ng DFA. Tila mas pinasama pa ng China ang kanilang di kapani-paniwalang kuwento. Ngayon may mga images mula sa satellite na pinabulaanan ang kanilang pahayag na pinaligiran sila ng mga bangka ng mga Pinoy kaya nataranta.

Hindi ko naman alam kung apektado o kung papansinin ng China ang mga protesta ng bansa. Kung ang desisyon nga ng UN Permanent Court of Arbitration ay hindi pinansin, ito pa kaya? Baka ang sabihin ay sa kanila naman ang karagatan kaya may karapatan silang gawin ang anuman para protektahan ang teritoryo nila. Naghuhugas na nga ng kamay sa kanilang salaysay.

Pero may mga grupong nananawagan na maging mahi­nahon na ang publiko sa isyu, para hindi lumala at ma­apektuhan ang relasyon ng Pilipinas at China. Wala namang­ problema diyan kung aaminin lang ng China ang maling ginawa ng barko, kung sinadya ang pagbangga at bakit iniwan na lang ang ating mga mamamayan sa karagatan. Ang hindi kasi matanggap ay ang ipinalalabas na pangyayari na walang kasalanan ang barko nila dahil natakot lang. Hihintayin na naman natin kung ano ang susunod na pahayag ng China, lalo na kung itutuloy ang reklamo sa IMO. Kung kaliwa’t kanan ang bumabatikos sa kanila, baka magbago ang tono at “manlaban” na. Hindi ako handang maniwala na aaminin nila na ang kanilang barko ang nagkamali, sa inilabas nilang kuwento. 

DICK GORDON FISHERMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with