^

PSN Opinyon

Kaibigang kidnaper

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Una sa 2 bahagi)

SA ilalim ng batas (Art. 267-Revised Penal Code), ang krimen ng Kidnapping with Ransom ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdukot at pagtanggal ng kalayaan ng isang tao katumbas ng pera, pabuya o anumang konsideras­yon mula sa ibang tao kapalit sa kanyang paglaya. Ang parusa sa krimen na ito ay kamatayan.

Mahalaga ba ang motibo ng akusado sa paghingi ng pera o ransom money? Maituturing pa rin kayang kidnapping ang nangyari kung kaya niya sapilitang kinulong ang biktima ay para singilin sa pagkakautang nito? Ano naman ang pananagutan ng kanyang kasabwat bago o kasabay ng nangyayaring krimen? Ito ang mga isyung sasagutin sa kaso nina Manoling, Tony at Tito.

Inakusahan ng pagdukot at pagtatago o kidnapping and serious illegal detention sina Manoling, Tony at Tito para raw humingi ng pera sa pamamagitan ng pagdukot kay Arthur at pagtatago sa kanya sa loob ng limang oras. Kinasuhan din sila sa pananakit at pananakot na papatayin ang biktima kung hindi mababayaran ang pera o ransom.

Sinalaysay ng biktimang si Arthur na isang hapon, pag-uwi niya sa kanilang bahay, sinabihan siya ng mga kapatid na gusto siyang makausap ni Manoling. Pumunta siya sa bahay ni Manoling na nasa isang compound at pagbukas ni Manoling ng gate ay agad siyang tinutukan at pinaputukan ng hawak nitong 9mm na baril. Humaging sa kanang tainga niya ang bala kaya napahampas siya sa pader ng bahay.

Narinig nina Tito at Tony ang mga putok ng baril kaya agad silang pumunta sa bahay ni Manoling at tinulu­ngan ang lalaki na maipasok si Arthur sa loob ng bahay. Pinaghahampas daw si Arthur ng tubong bakal ng dalawa. Pagpasok sa loob ng bahay ay inabot ni Manoling kay Arthur ang isang telepono. Inutusan siya na tawagan ang kanyang pamilya at maghanda ng P20,000 para dalhin sa pinagkasunduang lugar.

Limang beses pinatawag si Arthur sa kanyang pamilya hanggang hatinggabi pero walang dumating sa tagpuan para tumubos sa kanya.  Lumabas sa may gate sina Manoling, Tony at Tito para makapag-usap. Sinamantala ito ni Arthur at sinubukan na dumaan sa may bintana para tumakas. Lumikha ng ingay ang kanyang ginawa at napansin siya ni Manoling. Binaril niya si Arthur at tinamaan sa puwet. Humingi ng saklolo si Arthur at nakatawag ng pansin sa mga opisyal ng barangay ang kanyang sigaw. Agad nilang niligtas si Arthur at dinala sa pagamutan. Sinubukan din nilang hulihin sina Manoling, Tito at Tony. Nakatakas si Manoling at nagtago sa batas. Kaya nang makasuhan ng kidnapping with ransom, itinanggi nina Tony at Tito ang kanilang ginawa at nilitis ng korte.

(Iutuloy)

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with