^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang Filipino

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag patayin ang wikang Filipino

NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang Filipino at Panitikan­ bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memo­randum ng Commission on Higher Education (CHEd) at sinang-ayunan naman ng Supreme Court. Ayon sa SC, pinal na ang desisyon at wala nang paghahabol pang maaaring gawin ukol dito sapagkat hindi na nila pakikinggan. Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang SC noon pang 2015 makaraang isulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ayon sa argumento ng CHEd, nararapat na sa senior high school na lamang ituro ang mga nabanggit na subjects.

Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa itong sariling wika na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang pinatay. Noon pang 2013 isinulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Pantikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila kasigasig. Tama na raw sa senior high school o K12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na raw ang pag-aaral ng Filipino. E ano naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May masasayang ba kung muling pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. Marami pa ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangu­ngusap. Maraming salat sa tamang baybay. Kaya paano sasabihing sobra-sobra na ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na ito dapat pang ituro sa kolehiyo?

Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Fili­pino at Panitikan ay ang mga guro at propesor sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumu­kuha ng kursong nagme-major sa Filipino. Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa pagiging “anti-Fili­pino” ng CHEd, maraming apektado.

Sana, may mga unibersidad at kolehiyo na huwag agad-agad buwagin ang kanilang Filipino Department. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin ang bawat unibersidad at kolehiyo na magpatupad sa pagtuturo ng wikang sarili. Sila pa rin ang masusunod ukol dito. Sana, maraming unibersidad ang manindigan at itaguyod ang mga subject na Filipino at Panitikan.

vuukle comment

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with