^

PSN Opinyon

Dalawang taon pagkatapos ng Marawi

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG taon na rin ang nakalilipas mula noong Marawi siege at libu-libo pa ring mamamayan  nito ang hindi pa nakababalik sa kani-kanilang mga tahanan sa loob ng siyudad.

Dalawang taon na nga subalit hindi pa dama ng mga taga-Marawi ang sinasabi at pinangakong rehabilitation sa Islamic city.

Ayon sa military, may tinatayang 50 na mortar bombs na naiwan sa lugar pagkatapos nitong hinulog ng Air Force noong kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng ISIS-affiliated Maute terrorist group at ng mga government forces.

Marami ang namatay sa Marawi siege kabilang na ang mga sundalong namatay habang nasa duty sila.

Medyo mahaba na rin ang dalawang taon sa paghihintay na makabalik ang mga mamamayan ng Marawi sa kani-kanilang mga tahanan.

Sana ay maagapan ito ng ating pamahalaan at nang hindi na mahuhumaling na bumalik at sumama ang mga mamamayan sa mga Maute group. 

Kung hindi, masasayang lang ang pakikipaglaban na pakawalan ang Marawi sa impluwensya ng mga grupo gaya ng Maute at ISIS.

vuukle comment

MARAWI SIEGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with