Kahit may kanser, may pag-asa pa
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

1. Maraming klase ng kanser. May kanser na naga­gamot pa. May kanser na nako-kontrol. May kanser na ma­bagal gumalaw o nare-reverse ang paglaki. Depende sa kanser at kondisyon ng pasyente.

2. Kahit anong stage pa ito, puwede pa ring mapahaba ang buhay.

3. Ang payo ko ay (1) Magpatingin sa doktor; (2) Sundin ang payo ng doktor kung chemotherapy o surgery ang kailangan; (3) Lakasan ang loob at palakasin ang katawan; (4) Huwag muna umasa sa mga alternatibong gamutan dahil mas malaki ang tsansa ng pasyente sa gamutan ng doktor.

4. Kahit sabihing stage 4 pa, iba’t iba pa rin ang kahi­hinatnan nito. May stage 4 na seryoso at kalat na sa maraming parte ng katawan. May stage 4 na kaunti lang ang kalat at mas maganda ang prognosis. Tinawag lang ang ganitong stage dahil sa depinisyon ng staging.

5. Maraming factors ang tumutukoy sa haba ng buhay. Mahalaga ang gamutan ng doktor, suporta sa nutris­yon, suporta ng pamilya, lakas ng loob, determinasyon ng pasyente, positibong pananaw at pagdarasal sa Diyos.

6. Walang makapagsasabi nang haba ng buhay. Wa­lang sinuman ang tiyak sa kanyang kinabukasan. Gumawa lang tayo ng mabuti.

7. Bilang doktor ang tungkulin ko ay magbigay ng inspirasyon at lakas ng loob sa pasyente. Katuwang ng tamang gamutan, bigyan ng pag-asa at pagmamahal ang pasyente.

Kahit gaano kadilim ang hinaharap natin (sa sakit o sa problema ng bayan) dapat may mag-tiyaga at lumaban lang.
Tandaan: Walang imposible sa Diyos. Naniniwala ako na bibigyan tayo ng Diyos ng sapat na haba ng buhay para magawa ang ating misyon.

CANCER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with