Banta?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

PERSONALAN na ba ito? Hindi pinapasok si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hong Kong noong Martes. Kasama ni Morales ang kanyang mga anak at apo para magbakasyon. Ayon sa Hong Kong immigra­tion, isa siyang “security threat”. Inilagay si Morales sa isang silid na hiwalay sa kanyang pamilya. Pababalikin din kaagad si Morales sa Pilipinas. Hindi malinaw kung pababalikin din ang kanyang pamilya. 

Tutulungan daw ng DFA si Morales. Hindi ko naman­ alam kung anong tulong ang maibibigay, kung tila ikinulong muna si Morales sa isang silid sa airport. Si Morales ay 78-anyos na. Kung paano siya naging isang “security threat” sa Hong Kong o sa buong China ay katawa-tawa. Ano naman kaya ang magagawa ng lola sa kanila?

Siguradong may kinalaman ito sa isinampa ni Morales at dating DFA Sec. Albert del Rosario na kaso sa International Criminal Court, hinggil sa mga masasa­mang kilos ng China sa karagatan na sakop ng teritoryo ng bansa. Hindi talaga pinalampas ng China ang ginawa ni Morales at binansagang banta sa kanilang seguridad.

Ganyan na ba ang turing ng China sa isang kritiko ngayon? Samantalang tila napakadaling makapasok ang mga Tsino sa bansa para magtrabaho o magtayo ng negosyo. Balita ang mga iligal na pabrika, kainan, construction at iba pa. Tapos sila pa ang nagsasabi na dapat maayos ang pagtrato sa kanilang mamamayan. Ngayon, ayon kay DOJ Sec. Guevarra, hindi puwedeng  kuwestiyunin ng Pilipinas kung bakit hindi pinayagang makapasok ng Hong Kong si Morales, dahil karapatan daw nila iyon bilang soberenyang bansa. Nakikita na ba kung patas ang dalawang bansa? Kung mainit na naman ang pangingisda sa karagatan, na ipinagbabawal na naman umano ng China, na dapat umalma ang gobyerno, hindi kaya magtagal ay bawal na ang lahat ng Pilipino sa Hong Kong?

CONCHITA CARPIO-MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with