Survey ang magpapakita kung lumala ang droga
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2019 - 12:00am

MAKAILANG ulit na sinabi ni President Rody Duterte na tila lumalala pa ang salot na droga. Ito’y bagamat 5,500 na ang napatay na pushers sa police raids at buy-busts, 58,000 ang ikinulong, at 1.3 milyong mga adik ang sumuko sa kanilang barangay simula ng termino niya, July 2016.

Ipinambabatikos na nga ng mga kritiko niya ang pag-amin ni Duterte sa tila hindi matalong mga sindikato. Ito raw ay dahil mga tao na malalapit sa kanya mismo ang sangkot. ‘Yon daw ang malakihang nagpapasok ng shabu sa mga pier at liblib na isla.

Ani Duterte, mali ang unang estima nila ng 3.4 mil­yong dami ng adik. Malamang daw ay 7 milyon lahat-lahat. Dahil sa gan’un kalaking merkado, nagiging ma­laking negosyo ang droga.

Matagal ko na ring sinasabi na 7 milyon nga ang mga adik. Ang estimang 3.4 milyon ay noon pang 2002, nu’ng sinusulat pa lang ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Nu’ng simula ay tumindi ang kampanya kontra droga: kulong sa pushers, rehab sa users. Pero nakaabante ang narco-politics. Nabili ng mga sindikato ang local officials, prosecutors, at mga huwes. May mga narco-gene­rals pa nga.

Isang malalimang survey ang makapagpapatunay ng bilang ng mga adik. Hindi maaring umasa lang ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency sa ulat ng mga barangay. Lalo na’t nabisto na isa sa bawat tatlong barangay ay walang aktibong programa kontra droga.

May P14 milyong pondo sa 2019 national budget para sa naturang survey. Sapat ‘yon para maungkat ng PDEA ang dahilan kung bakit meron pa ring sumisinghot ng shabu.

Malilinang ng survey kung bakit meron pa ring nagbebenta, gaano kaseryoso o kapabaya ang opisyales, at kung tumatalab ang mga rehab centers at gabi-gabing police operations.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PDEA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with