Nagpapaalipin sila sa political dynasts
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

MALUNGKOT na balita tungkol sa kabataan: 20% ng mga millennials, mga edad-39 hanggang -18, na isinilang nu’ng mula 1980-pasulong, ay hindi nagrehistro bilang botante. Ang millennials ay 60% dapat ng 60 milyong botante. Pero 8 milyon sa kanila ay wala sa talaan ng Comelec.

Bakit hindi nagrehistro ang 8 milyong kabataan? Kasi, wala silang pakialam sa pulitika ng bansa. Hindi nila nakikita ang kabulohan o epekto ng mahusay o masamang pinuno sa buhay nila o ng bansa. Ang katuwiran ng ma­raming millennials ay dapat mabuhay sila sa ngayon. Hindi iniisip ang kinabukasan. Inuubos ang suweldo sa panandaliang pangangailangan -- mamahaling damit, concert, biyahe. Hindi nag-iimpok; bahala na ang kinabukasan.

Ang mga kabataang ganyan mag-isip ang madaling maloloko ng mga politiko. Sila at ang mga iluluwal nila ang mga magiging alipin ng political dynasts.

Bakit kamo? Isipin na lang: ang pakay ng political dynasts ay panatilihin sa poder ang angkan, dahil pork barrels at kickbacks sa gobyerno ang sanhi ng kayamanan. Para mapanatili ang angkan, tinuturuan nila ang mga anak na maging pulitiko rin. Bata pa ay sinasanay na maging­ pala-kaibigan, pala-halubilo sa tao, buhay-cowboy, sumu­subo ng pagkaing masa, at nagsasalita nang parang masa. ‘Yan kasi, alam na alam ng political dynasts, ang mga palamuti na nakakauto at nakakahuli ng loob ng kara­niwang tao.

Di maglalaon ang batang pinalaking mala-pulitiko ay magiging mismong pulitiko: congressman, governor, mayor. Magiging katanggap-tanggap siya sa mga kahe­nerasyon -- mga kapwa millennials. Ang kaibahan niya sa ibang millennials ay ang galing sa pulitika, samantalang karamihan ay walang pakialam sa pulitika. Kukulimbat siya ng bilyon-bilyong piso mula sa kaban ng bayan. Hindi siya mapapansin, makakalusot siya, kasi babalewalain siya.

POLITICAL DYNASTY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with