^

PSN Opinyon

Congratulations Gen. Albayalde

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ITONG nakaraang Mahal na Araw ang pinaka-matahimik na selebrasyon sa bansa dahil walang nangyaring krimen. Nagtrabaho kasi nang husto ang mga pulis. Hindi nakapanghihinayang na bigyan sila nang malaking suweldo dahil tinutumbasan nila ng serbisyo. Congrats, PNP chief General Oscar Albayalde!

Hindi rin naman dapat palampasin ang kasipagan ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar dahil wala ring krimen na naganap sa Metro Manila. Pero may matitigas pa rin ang ulo na sa halip na mangilin, nagtutulak ng droga kaya humihimas sila ngayon ng rehas. Abot-langit ang kanilang pagsisisi ngayon dahil sa sobrang sikip at init ng mga selda, maraming sakit na nakukuha. Sana ay mahimasmasan na sila at umiwas na sa pagtutulak at paggamit ng droga.

Tama lamang ang pakikipagdigma ni Pres. Rodrigo Duterte sa droga na ipinatupad ni dating PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa. Hindi na magbabago ang sinimulan ni Bato. Ayon kay Bato, kapag siya ay binigyan ng pagkaka­taon na manalo, susuklian niya ng sipag sa pagbalangkas ng batas na mapapakinabangan ng bawat Pilipino. Ikina­tuwa ni Bato ang pagpasok sa number 5 or 6 sa mga survey. 

Ayon sa kanya, hahabulin niya ang mga nasa likod ng floating cocaine sa karagatan. Nangangamba si Bato sa mga pumapasok na cocaine. Aniya, maraming buhay at kina­bukasan ng mga kabataan ang masisira kapag hindi nasa­wata ang pagpasok ng droga sa bansa. Bukod sa co­caine, araw-araw na lang ay may nahuhuling mga gumagamit at nagtutulak pa rin ng ilegal na droga. May shabu, may party drugs at iba pang droga na pang mayayaman at dumarami ang mga nasisirang buhay. 

Dahil sa nangyayaring ito, lubos na kailangan si Bato sa Senado upang may nakatutok sa problema ng ilegal na droga. Mas maganda na gumagalaw din ang ating Legislative Branch upang makatuwang ang Executive Branch sa paglaban sa droga. Hindi sayang ang boto kay Bato dahil pinagkakatiwalaan siya ng mga Pilipino.  

vuukle comment

GUIL­LERMO ELEAZAR

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with