^

PSN Opinyon

Lusaw na ang peace talk

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KUMBAGA sa boxing, knock-out na si Jose Maria Sison. Mabuti naman at tuluyan nang tinuldukan ni Pres. Digong Duterte ang peace talk para sa mga teroristang CPP-NPA. Matagal ko nang sinusulat ito sa aking mga kolum. O ‘di ngayon naliwanagan na si Digong na hindi magtatagumpay ang usapang pangkapayapaan na ‘yan dahil sabi ko nga, traydor ang mga ‘yan. Sawang sawa na akong marinig at mabasa ang urong sulong na peace talk sa pagitan ng gobyerno at teroristang CPP-NPA.

Sana lang ay hindi na magbago ang isip ni Digong sa bagay na ito. Pag-ukulan na lang ng pansin ang ibang problema ng bansa. Iwaksi na sa kanyang isipan si Joma. Malaki-laki rin ang nagastos ng gobyerno sa pagsusulong ng peace talk na ‘yan. Mantakin n’yo hindi lang dalawa o tatlong tao ang pupunta sa Netherlands upang makipag-usap sa grupo ni Joma at ayusin ang gusot na kagagawan niya. Pinaaasa lang tayo ni Joma na magtatagumpay ito pero ngayon, ni sa panaginip niya ay hindi na mangyayari pa dahil nilusaw na ito ng tuluyan ni Digong.

Sa tingin ko ay nag-iisip na rin ang Dutch government      sa pagkupkop sa mga teroristang tulad ni Joma at  kasamahang namamalagi sa Netherlands. Siyempre natatakot na rin ang mga ‘yan sa sunud-sunod na bombahan sa iba’t ibang bansa tulad ng nangyari sa New Zealand at dito mismo sa ating bansa -- sa Jolo Sulu, baka sila naman ang sunod na bombahin. At sawa na rin sila sa pagiging referee sa peace talk na ginaganap sa kanilang bansa.

Maganda ang programa ni Digong sa mga sumusukong terorista, binibigyan nang maayos na tirahan at kabuhayan kaya baka maubusan ng tao si Joma. Sa mga ayaw sumuko, tuloy ang bakbakan.

vuukle comment

LUSAW NA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with