Tama na ang bangayan
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

NITONG mga nakalipas na araw nagsisisihan sa ere sina Department of Health (DOH) secretary Francisco Duque III at Public Attorney’s Office (PAO) head Persida Acosta sa paglaganap ng tigdas sa bansa. Sa punto kasi ni Duque kaya natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay dahil sa palpak na Dengvaxia vaccine. Ang pagiging maingay umano ni Acosta sa mga natu­rukan ng Dengvaxia ang pangunahing dahilan kung bakit natakot ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak. Sabi naman ni Acosta, tumutulong lamang sila sa mga kaawa-awang mamamayan na namatayan ng mga anak matapos turukan ng Dengvaxia. Wala naman umanong malapitan ang mga namatayan kundi sila na nasa PAO upang mapanagot ang mga may pakana nito. Wala naman­ umanong binanggit si Acosta na masama ang lahat ng bakuna dahil ang pinagtutuunan nila ng pansin at serbisyo pangsambayanan ay ang mga namatay sa Dengvaxia. Sa tingin ko ay puro sila mga pogi. 

Sa kasalukuyan daang kabataan na ang naka-confine sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila. Subalit ayon naman sa World Health Organization tinatayang 20,000 na ang nagka-tigdas sa buong bansa. Nakababahala ang ulat ng WHO na dapat na aksyunan ni Sec. Duque kaysa unahin ang pakikipagbangayan kay Acosta. May katwiran din naman kasing magsalita sa ere si Acosta tungkol sa bilang ng mga namatay sa Dengue dahil sila ang nilalapitan upang makamtan ang hustisya. Kasi nga kung hindi naging palpak­ ang Dengvaxia na pinursigi ng Aquino administration malamang wala silang dapat na pagtalunan.

Subalit ngayon na lumabas na ang katotohanan na mas kailangan ng sambayanan ang bakuna partikular na itong para sa tigdas, magkanya-kanya na lamang sila ng trabaho ng sa gayon ay makumbinsi nila ang lahat nating kababa­yan na huwag matakot sa bakuna na makapagliligtas sa kanilang buhay. Kung sabagay hindi naman nagkukulang si President Rodrigo Duterte na maisalba ang sambayanan kung kaya maging siya ay nanawagan na sa lahat na huwag katakutan ang  bakuna. Maging sina Duque at Acosta ay pinagsabihan niya kaya nagkaroon muna ng katahimikan sa bawat kampo.

Noong Sabado ng umaga, lumapit sa akin si Isaac Eugenio Jr, Presidente ng Samahan Magkabalikat ng Manuyo Dos Homeowner Association Inc ng Green valley Compound, Manuyo Dos, Las Piñas City upang idulog ang reklamo tungkol sa nabubulok ng mga tubo ng Maynilad. Hindi na umano tatagal pa ito at sa konting sagi lang ay siguradong sasabog ito dahil manipis na ang mga tubo at kinakalawang. Nangangamba na sila sa kanilang kalusugan dahil ang mga tubo ay nakalitaw lamang sa mga kanal. Puno ng burak ang mga kalye sa naturang lugar na dapat bigyan ng pansin ng Maynilad.

Noong Oktubre na nagkaroon ng dengue outbreak sa lugar, agad na kumilos si Barangay Chairman Mark Nery at mga kagawad sa paglilinis sa buong paligid upang mapuksa ang mga lamok. Subalit ngayon mukhang nakalimutan na naman ng mga residente roon ang paglilinis ng kanilang paligid. Nais ni Eugenio na aksyunan ng Maynilad ang nabubulok na mga tubo. Nanawagan din si Eugenio sa mga residente na makiisa sa paglilinis ng paligid.

DENGVAXIA VACCINE FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with