Pagdami ng tigdas
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2019 - 12:00am

HINDI raw siya ang dapat sisihin sa pagbagsak ng tiwala na pabakunahan ang mga bata, pahayag ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Acosta. Ayon sa DOH, bumagsak sa 40 percent ang nagpabakuna noong 2018, kumpara sa 70 percent noong mga nakaraang taon. Sa ngayon, may 248 na bata at 21 matanda ang nasa San Lazaro Hospital dahil sa tigdas.

Noong Lunes, pito ang namatay, tatlo dahil sa mga kumplikasyon dulot ng tigdas. Noong nakaraang linggo, siyam naman daw ang namatay. Patuloy pa rin daw ang dumadating sa ospital dahil sa tigdas. Ayon sa WHO, tumaas ng 367 percent ang kaso ng tigdas sa Pilipinas, kaya mahalagang pabakunahan ang mga bata.  

Alam ko ang matinding kampanya ni Acosta laban sa Dengvaxia, kung saan patung-patong na demanda ang isinampa sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, kaugnay sa paniniwala niya na ang Dengvaxia ang dahilan ng pagkamatay ng ilang bata. Hanggang ngayon, walang ebidensiya na Dengvaxia nga ang sanhi ng pagkamatay ninoman sa buong mundo. Mga nabakunahan ng Dengvaxia, na sa paniniwala ng PAO ay dahilan ng pag­kamatay ng mga bata.

Pero hanggang ngayon, wala pa ring bansa na inapru­bahan din ang paggamit ng Dengvaxia ang may kampanya tulad ng nagaganap sa Pilipinas. Hindi ko sinasabi na walang pananagutan ang Sanofi Pasteur, sa kanilang huling babala hinggil sa kung sino ang dapat mabakunahan at hindi. Hindi lang sana pinalaki at pinulitika ang isyu, kung saan natakot tuloy ang publiko na magpabakuna.

Hindi maganda kung magkakaroon ng pagsiklab ng tigdas sa bansa. Sa rami ng mga kasong pumapasok sa mga ospital, hindi malayong mangyari. Hinihikayat ko ang mga magulang ng mga bata na hindi pa nakatatanggap ng bakuna kontra tigdas at iba pang sakit, dalhin na kaagad sa mga health center at pabakunahan, pati ang sarili kung hindi pa nga nababakunahan. Kailangang mahinto ang pagkalat ng sakit, na magagawa lang kung marami na ang may proteksiyon dahil sa bakuna.

MEASLES OUTBREAK PERSIDA ACOSTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with