^

PSN Opinyon

Batang kinidnap, naibalik na sa ina!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAPAKAGANDANG balita para sa mga magulang nung nawa­walang bata. Daig pa ang nabunutan ng tinik sa tagiliran nang malaman ang balita.

Hindi biro ang mawalan ng anak, lalo na’t sanggol. Para ka na ring namatayan ng anak. Ganun katindi ang pakiramdam.

Testigo ang BITAG sa kagustuhan at determinasyon ng ina na hanapin ang kanyang anak.

Kahit salat sa buhay, nagtiyagang maglakad sa kalsada at namigay ng mga missing flyers.

Mga boss, kung matatandaan n’yo, lumapit sa BITAG ang ina ng bata noong nakaraang taon. Emosyonal na iki­nuwento ang ginawang pagdukot sa kanyang sanggol. 

Kinidnap daw ang bata ni “Ben,” isang kakilala sa lugar. Aniya, kinuha raw ang bata habang mahimbing silang natutulog sa kalsada.

Sinamahan ng BITAG ang ina na kumprontahin si “Ben.” Sa kasamaang palad, hindi nagbunga ang pagmama­kaawa ng ina dahil mukhang wala sa katinuan ang suspek, o sadyang nagmamaang-maangan lang.

Ayon sa kuwento, tinapon daw ni “Ben” ang sanggol sa ilog. Kalaunan, nagbago ang kanyang kuwento at sina­bing iniwan daw ang bata kung saan. Depensa niya, nagawa iyon dahil sa sobrang kalasingan.

Hindi nawalan ng pag-asa ang ina at ang aming team. Patuloy kami sa paghahanap ng bata. Humihingi ng impor­masyon kung kani-kanino.

Nakalipas ang ilang linggo, nakatanggap ng tawag ang aming opisina mula sa pulisya.

Isang mabuting balita dahil isang tindero raw ang naka­pulot sa bata at na-turn over sa barangay.

Pagdating namin sa lokasyon, wala run ang bata. Dinala na raw nila ito sa isang shelter sa Tayuman upang matutukan.

Walang paliguy-ligoy, agad namin tinungo ang sinabing shelter, at sa wakas, nagkita ang mag-ina.

Matapos ang hirap at sakit na dinanas, napalitan ng saya ang labis na kalungkutan. Nagbalik ang ngiti ng Ina nang muling mayakap ang bata.

Mission accomplished para sa aming grupo.

At kami nama’y labis na nagpapasalamat sa lahat ng nakatulong, lalo na doon sa nakakita at nag-surrender sa bata.

Uploaded sa aming official Youtube Channel ang video. Bisitahin lang para mapanood nang buo. 

vuukle comment

BAHALA SI BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with