EDITORYAL - Private army ng mga pulitiko, wasakin
(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2019 - 12:00am

SABI ng Philippine National Police (PNP) 19 na election hotspots ang kanilang binabantayan. Sabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, ang mga lugar ay dati nang may kasaysayan ng karahasan. Binanggit ni Albayalde ang mga bayan ng Balaoen, Jones at Sudipen sa Isabela; Lemery sa Batangas; Roxas sa Oriental Mindoro; Balud at Dimasalang sa Masbate; Daraga sa Albay; Paga­dian City sa Zamboanga del Sur; Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental; Hadjih Mohammad Ajul, Lantawan, Tipo-Tipo sa Basilan; Marawi City; Sultan Dumalundong, Mamasapano, Sharif Aguak, Shariff Sayduna Mustapha at Datu Unsay sa Maguindanao.

Ngayong tukoy na ng PNP ang mga lugar na may karahasan kung election, dapat magsimula na silang magpaigting ng seguridad sa mga nasabing lugar. Magsagawa pa o mag-setup ng checkpoints para mapigilan ang karahasan.

Nararapat na masamsam ang mga hindi lisen­si­ya­dong baril sa mga nabanggit na lugar para ma­iwa­san ang pagdanak ng dugo. Tiyak na ang mga magkakalaban sa pulitika ang panggagalingan­ ng ka­rahasan. Wala namang ibang magkakagulo sa elections kundi ang magkakalaban sa pulitika. Gusto ng bawat isa na sila ang manalo kaya gagawin ang lahat nang paraan para maging mabango­ sa mga botante. Kung sino ang may pinakama­gan­dang plataporma, tiyak na ito ang kakagatin ng mga botante. Natututo na ang mga botante ngayon kaya nag-iingat na ang kandidato at baka sila matalo. Sa pagpapatalbugan nagkakaroon ng iringan ang mga magkakalaban. Mayroong ayaw malamangan kaya ang resulta, nagpapatayan. Nag-aarmas na sila para hindi maisahan ng kalaban.

Hindi dapat magrelaks-relaks ang PNP sapagkat mabilis magbuo ng hukbo ang mga pulitiko. Nag-i­isip pa lamang ang PNP, meron nang plano ang mga magkakalabang pulitiko kung paano sila mananalo sa election. Gagawin ng pulitiko ang lahat para matupad ang kanyang ambisyon. Halimbawa na lang dito ay ang nangyaring pagpaslang kay Ako Bicol Party-list Rodel Batocabe at police escort noong Dis­yembre 22, 2018. Mabuti na lang at nalutas agad ang krimen. Ang kasalukuyang mayor ang itinuturong “utak” sa krimen.

Buwagin ng PNP ang mga armadong hukbo ng mga pulitiko para masiguro ang katiwasayan ng May elections.

OSCAR ALBAYALDE PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with